14,686 total views
Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon.
Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang “Ang Simbahan Katuwang ang VIPS: Kaagapay sa Pagbabagong Punong-puno ng Pag-asa” o “The Church thru the VIPS: Partners of the PDLS in their Journey Towards Wholeness with full of Hope”.
DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6Bahagi ng layunin ng napiling tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon na bigyang halaga ang pambihirang tungkuling ginagampanan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) bilang katuwang ng Simbahan sa pagiging daluyan ng habag, awa, pagmamahal at pag-asa ng Panginoon para sa mga Persons Deprived of Liberty na naligaw ng landas.
Patuloy namang nananawagan ang prison ministry ng CBCP sa mga mamamayan na maging Volunteer In Prison Service bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng katarungan, paghilom at pagbabalik dignidad sa mga taong nagkasala sa batas.
“Be a Volunteer In Prison Service (VIPS) and work for JUSTICE that HEALS and RESTORES.” Paanyaya ng CBCP-ECPPC.
Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care upang magsilbing daluyan ng biyaya, habag at pag-asa ng Panginoon para sa mga bilanggo.
Sa kasalukuyan mayroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.
Nakatakdang gunitain ngayong taon ang 37th Prison Awareness Sunday sa ika-27 ng Oktubre, 2024 kung saan taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.