Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

SHARE THE TRUTH

 1,973 total views

Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Taóng 2017 nang namatay sa hazing si Atio, isang freshman student sa Unviersity of Santo Tomas College of Law. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang kalye sa Maynila. Bugbog ang kanyang katawan at tadtad ng patak ng kandila. Ayon sa autopsy report, namatay si Atio sa massive heart attack, dala marahil ng matinding pisikal na pananakit. Labing-walong miyembro ng Aegis Juris ang sinampahan ng reklamo ng pulisya sa Department of Justice para panagutin sa mga kasong murder, obstruction of justice, at iba pa. Sampu lang sa kanila ang nasampahan ng kaso sa korte dahil sa kanilang direktang partisipasyon sa hazing.

Nagdulot ng public outrage ang pagkamatay ni Atio, at nagtulak ito sa Kongresong amyendahan ang Anti-Hazing Act. Noong 2018, naisabatas ang Republic Act No. 11053 na naglalayong palakasin ang batas na susugpo sa hazing. Sa ilalim ng batas, ang sinumang may kaalaman sa pagsasagawa ng hazing at bigong ipaalam ang pangyayari sa awtoridad ay maituturing na maysala. Inuutusan din ng batas ang mga paaralan na maging aktibo sa pagbabantay sa mga initiation activities ng mga samahan ng mga estudyante.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Bagamat natagalan, ikinalugod ng pamilya ni Atio ang naging hatol ng korte. Sa isang interview, emosyonal na nanawagan ang nanay ni Atio na muling suriin ng UST ang mga patakaran nito kaugnay ng insidente. Aniya, may pananagutan ang mismong pamunuan ng unibersidad sa sinapit ng kanyang anak. Bilang mga pangalawang magulang ng kanyang anak, bigo raw silang pangalagaan siya. Hangad ng nanay ni Atio na makakita ng pagbabago sa unibersidad upang hindi na maulit ang nangyari sa kanyang anak.

Napapanahon ang desisyon sa kaso ni Atio. Noong isang linggo lang, may isang labing-walong taong gulang na binata sa Nueva Ecija ang namatay dahil din umano sa hazing. Kamakailan lang din, sinabi ni Senador Francis Tolentino na ipinag-utos ni Pangulong BBM na isabatas na ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corp (o ROTC). May mga tutol sa panukalang batas dahil pinaiigting ng ROTC ang kultura ng karahasan sa mga paaralan. Inalis ang mandatory ROTC noong 2001 kasunod ng pagkamatay ni Mark Welson Chua na nagsiwalat sa mga tiwaling gawain sa programa.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na hindi magkakasabay ang karahasan at kapayapaan. Kung saan may karahasan, wala roon ang presensya ng Diyos. Hindi katanggap-tanggap na pamamaraan ang karahasan para patunayan ang pagkakapatiran, gaya ng nangyayari sa hazing. Katulad ng paalala ni Pope Francis sa isa niyang talumpati, “Nothing is gained in violence and so much is lost.” Hindi lang marami ang nawawala; minsan hindi na maibabalik pa ang mga ito, katulad ng buhay ni Atio at iba pang biktima ng hazing.

Akmang alalahanin ang kuwento ng magkapatid na sina Cain at Abel sa Genesis 4 sa kaso ni Atio, sa pinaghihinalaang bagong biktima ng hazing, at sa nagbabantang pagbabalik ng mandatory ROTC. Nang hanapin ng Panginoon kay Cain ang pinaslang niyang kapatid na si Abel, ang sagot lamang niya: “Ako ba ay tagapagbantay ng aking kapatid?” Sagot ng Panginoon, “Anong iyong ginawa? Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa.”

Mga Kapanalig, tayo ay tagabantay ng ating mga kapatid. Dumadaing ang mga biktima ng karahasan. Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan. Manawagan tayong tuldukan na ang hazing at gawaran ng hustisya ang mga biktima.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 1,974 total views

 1,974 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 9,310 total views

 9,310 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 16,625 total views

 16,625 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 66,949 total views

 66,949 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 76,425 total views

 76,425 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 9,311 total views

 9,311 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 16,626 total views

 16,626 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 66,950 total views

 66,950 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 76,426 total views

 76,426 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 74,520 total views

 74,520 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 80,779 total views

 80,779 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 95,096 total views

 95,096 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 80,463 total views

 80,463 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 68,054 total views

 68,054 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 80,656 total views

 80,656 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 75,969 total views

 75,969 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 80,902 total views

 80,902 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 131,462 total views

 131,462 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 136,621 total views

 136,621 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 116,666 total views

 116,666 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top