68 total views
Umaasa ang opisyal ng CHARIS Philippines na mas mapaigting ng mga charismatic communities sa bansa ang pagiging kaisa sa misyon ng simbahan.
Ayon kay Fe Barino, national coordinator ng grupo, nawa’y magdulot ng magandang bunga sa kristiyanong pamayanan ang matagumpay na 3-day CHARIS National Convention at higit na maipalaganap ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
“After this conference we really expect that we will be able to share the gifts of baptism as we were empowered during the commissioning rite, that we go and spread God’s love through the charismatic renewal,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.
Binigyang diin ni Barino na pangunahing misyon ng mga charismatic communities’ ng pagpapalaganap ng ‘baptism of the Holy Spirit’ alinsunod sa atas ni Pope Francis na dapat maranasan ng bawat binyagang kristiyano ang mga kaloob ng Espiritu Santo nang itatag ang Catholic Charismatic Renewal International Service – National Service of Communion o CHARIS noong 2019.
“I pray that you continue the mission that God entrusted to us in your respective parishes and dioceses, spread the baptism of the Holy Spirit, para sana lahat na baptized Christians will be able to experience baptism of the Holy Spirit it’s not necessarilly mean that you will become member of any charismatic communities,” ani Barino.
Paliwanag nito na tinanggap ng bawat kristiyano ang Espiritu Santo sa sakramento ng binyag ngunit kadalasang hindi ginagamit ang kaloob na mga biyaya nito kaya’t ito ang panganuhaning gawain ng charismatic renewal na muling pag-alabin ang Banal na Espiritu sa bawat tao.
Dahil dito inaanyayahan nito ang kristiyanong pamayanan na damhin ang pagpapala ng Espiritu Santo sa mga gawain ng charismatic renewal sa kani-kanilang mga parokya.
“I would really encourage you to attend or experience the Life in the Spirit Seminar in parishes or dioceses wherever you are,” dagdag pa ni Barino.
Kasabay ng pagtapos sa kauna-unahang CharisCon ay inanunsyo ni Barino ang susunod na pagtitipon sa 2027 o kada ikatlong taon habang isasagawa sa pagitang mga taon ang regional conventions para mabigyang pagkakataon ang mga hindi makadadalo sa national conventions.
Pinangunahan ni El Shaddai Spiritual Director, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang closing mass sa tatlong araw na pagtitipon ng mga charismatic communities na dinaluhan ng humigit kumulang 2, 500 delegado.