6,155 total views
Nagalak ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pagtatalaga kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng simbahan.
Ipinaparating ng CWS ang pagbati kasabay ng kasabikan dahil sa tiwalang higit na maiingat ni Cardinal-elect Bishop David ang kapakanan ng mga manggagawa sa lipunan.
Iginiit ng church based labor group na naging matatag ang pagsusulong ni Bishop David sa karapatan ng mga manggagawa sa pagbibigay ng boses sa sektor upang marinig ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
“Church People – Workers Solidarity (CWS) welcomes the appointment of Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David of the Diocese of Kaloocan as new Cardinal. Bishop Ambo is a staunch advocate of workers’ rights and a steadfast opponent of Duterte’s bloody war on drugs. He is an embodiment of the church of the poor, resolutely defending the rights of voiceless, the marginalized and the oppressed,” ayon sa mensahe ng CWS.
Mensahe pa ng CWS, tunay na isinasabuhay ni Cardinal-Elect Bishop David ang pagiging ‘Church of the Poor’ dahil bukod sa kaniyang pakikiisa sa sektor ay ipinadama ng pangulo ng CBCP ang pagkalinga ng simbahan higit na sa mga biktima ng madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Panalangin ng grupo ang higit ng pagsusulong ni Cardinal-elect Bishop David sa karapatan at katarungang panlipunan upang magsilbing mapalakas ang panawagan ng mga sektor na hindi nadidinig ang mga hinaing sa lipunan.
October 06 2024 nang ianunsyo ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa kaniyang naging pangunguna ng Angelus sa Vatican ang pagkakatalaga kay Bishop David bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.