15,279 total views
Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa.
Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty ngayong ika-10 ng Oktubre, 2024.
Ayon kay Dumpit, ang araw na ito ay paalala sa patuloy na pagsusulong ng tuluyang pag-alis at pagsasantabi sa parusang kamatayan sa lahat ng sulok ng mundo.
Naninindigan si Dumpit na hindi makatao ang pagkitil sa buhay ng sinuman maging ng mga nakagawa ng pagkakasala at paglabag sa batas.
“On the World Day Against the Death Penalty, we unite in our call to affirm the right to life of all persons and call for the universal abolition of capital punishment. This day is a constant reminder to reflect on the progress made to abolish the death penalty in all corners of the world and also to think about how we can overcome the challenges in some parts of the world where this inhumane practice still persists.” pahayag ni Dumpit.
Taong 2006 ng ipawalang bisa ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa Pilipinas.
Kinumpirma ni Dumpit na pagtutuunan rin ng pansin ng CADP ang pagsusuri sa iba pang alternatibong paraan upang ganap na masolusyunan ang kriminalidad sa bansa.
“We are grateful that the desire for this has waned. CADP remains watchful and ready to push back any threats veering away from abolition. We also commemorate this day as a celebration of life and the pursuit of justice. We are committed to engage all stakeholders in respectful discussion especially those impacted by crime so we can seek viable alternatives to address criminality.” Dagdag pa ni Dumpit.
Kabilang sa mga alternatibo paraan na isinusulong ng CADP ang pagsasantabi sa throw-away culture sa bansa kung saan kabilang sa kadalasang binabalewala ang buhay; pagpapasa ng mga batas na tunay na magpaparusa at makapagpapanibago sa mga nagkasala sa batas; ang pagsasaayos ng pamahalaan sa kasalukuyang umiiral na criminal justice system ng partikular na ang Good Conduct Time Allowance (GCTA); ang ganap na pagtugon sa korapsyon at katiwalian sa justice system ng bansa; at ang pagsusulong sa karapatang pantao na taglay maging ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Tema ng paggunita sa World Day Against the Death Penalty ngayong taon ang “The death penalty protects no one.
Statistical Authority (PSA) mula taong 1985 o bago pa man muling ipatupad ang Death Penalty sa bansa noong 1992 ay mabilis na ang naitalang pagbaba ng kriminalidad sa lipunan hanggang 2008 na nagpapakita na walang direktang kaugnayan sa naging pagpapatupad ng parusang kamatayan sa pagpapababa ng kriminalidad sa bansa.
Batay sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 112-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan nilagdaan din ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na parusang kamatayan.
Una na ring nanindigan ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na ang paghahangad ng katarungan ay hindi ganap na makakamit sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty.