Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 11,458 total views

28th Sunday in Ordinary Time Cycle B
Indigenous People’s Sunday
Extreme Poverty Day
Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30

Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sino ba sa mga kabataan natin ang naghahanap ngayon ng buhay na walang hanggan? Kahit na nga tayo, sumasagi ba sa isip natin na maghanap ng buhay na walang hanggan? Madalas ang ating kahilingan ay, ano ang gagawin ko para ako makatapos sa pag-aaral ko? Paano ba ako makapagtrabaho? Paano ba humaba ang buhay ko? Paano ba magkaroon ng magandang pamilya? Hindi naman masama ang mga hangaring ito, pero ang mga ito ay mga bagay lang na lilipas at makamundo. Buhay na walang hanggan? Ito ba ay ginugusto din natin? Hinahanap-hanap ba natin ito?

Ang sagot ni Jesus sa binata. Di ano pa? Sundin mo ang mga utos ng Diyos! Ang mga batas ng Diyos na tinutukoy niya ay ang sampung utos. Ito ay binigay ng Diyos sa atin upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Nabigla at natuwa si Jesus sa sagot ng binata na ginagawa na niya ang mga ito mula pa nang pagkabata niya. Napakagaling naman ng kabataang ito. Tapat siya sa pagsunod sa mga utos at naghahanap pa baka may kailangan pa siyang gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Magiliw siyang tiningnan ni Jesus.

Oo, mayroon pa nga siyang dapat gawin. Isa na lang ang kulang sa kanya: ipagbili ang lahat ng ari-arian niya, ipamigay ang pinagbilhan sa mga mahihirap at sumunod sa kanya. Ang binata na masiglang lumapit kay Jesus ay umalis ng malungkot. Hindi niya magawa ang huling hinihingi sa kanya. Ang dahilan? Napakayaman niya!

Mga kapatid, mahigpit ang tanikala ng kayamanan. Akala natin nagiging malaya tayo kung tayo ay mayaman. Ginagapos tayo ng kayamanan at para sa marami ito ang dahilan na pumipigil sa atin sa paglapit sa Diyos. Hindi ba nararanasan din natin ito? Mahirap magbalik handog ng yaman. Kahit lang nga 10% ay ayaw natin ibigay sa Diyos, na sa totoo lang 90% ang naiiwan sa atin. Nanghihinayang tayo na magbigay ng 10% ngunit binibigyan nga tayo ng 90% ng Diyos. Tandaan natin na ang lahat ng kayamanan at ari-arian natin ay galing sa Diyos. Hindi naman atin iyan. Balang araw, iiwan naman natin ang mga iyan.

Alam mo bakit mahirap magbigay ng 10% sa Diyos? Kasi akala natin, iyan ay pera natin, at mahirap magbigay ng ating ari-arian. Pero kung kumbinsido tayo na ang Diyos ang may-ari ng lahat at tayo ay katiwala lamang, hindi mahirap magbigay ng 10%. Kanya naman iyan, hindi ba? Binibigay ko lang sa kanya ang ari arian niya at natutuwa pa nga tayo na iniwan sa aking pamamahala ang 90%.

Ang Salita ng Diyos ay tunay na matalas at mabisa. Tumatagos ito sa ating kaluluwa. Binibisto tayo nito. Nagiging lantad sa harap natin kung talaga bang pinapahalagahan natin ang mga aral at karunungan ng Diyos, o pahapyaw lang ang ating pagnanais na ito ay sundin. Binisto ng salita ni Jesus ang tunay na kalagayan ng binatang lumapit sa kanya. Paano siya magkakamit ng buhay na walang hanggan kung ang mas mahalaga sa kanya ay ang malaking kayamanan niya?

Hindi niya naisapuso ang katuruan sa aklat ng Karunungan na ating napakinggan sa unang pagbasa. Higit na mahalaga ang karunungan na galing sa Diyos kaysa anong kapangyarihan at kayamanan. Mas matimbang ito kaysa anumang ginto o alahas. Hindi ito kukupas. Iyan ang buhay na walang hanggan.

Akala natin malulugi tayo kung pinagbibigyan natin ang Diyos. Mawawalan ba tayo kung nagbibigay tayo sa Diyos? Iyan naman ang tanong ni Pedro kay Jesus. Ano naman ang para sa amin na iniwan na namin ang lahat at sumunod sa iyo? Matatalo ba natin ang Diyos sa kabaitan at sa pagiging mapagbigay? Mas generous ba tayo kaysa Diyos? Ano ang kapalit sa pag-iwan natin ng kayamanan, ng panahon, ng hanap buhay, ng ari-arian para Diyos at para sa Magandang Balita sa ating paglilingkod sa kanya? Tandaan natin ang sagot ni Jesus. Ito ay Salita ng Diyos at siya ay maasahan. “Tandaan niyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, ng mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Ok na ba ang palitan? Sa anumang iniwan natin dahil kay Jesus, ang kapalit ay isang daang ibayo sa buhay na ito, kasama na ang pag-uusig, at sa kabilang buhay, buhay na walang hanggan?

Talagang sineryoso ng mga unang Kristiyano sa Jerusalem ang Salita na ito ni Jesus, na ang mga ari-arian nila ay ipinagbili nila at ang pinagbilhan ay ibinigay sa mga apostol at ibinahagi naman ng mga apostol ang mga perang ito sa mga mahihirap sa kanila. Kaya sa pamayanang Kristiyano walang nagdarahop kasi nagbabahaginan nila. Walang mahirap kasi walang mayaman. At lahat sila ay masaya.

Malayo pa ang kalagayan natin sa katuruan ng Diyos. Maraming mahihirap sa atin kasi kanya-kanya tayo. Maraming mahihirap kasi may mga mayayaman na patuloy pang nagpapayaman at naaalipin sila ng pera. Kawawa naman sila. Tumatalikod sila kay Jesus na malungkot na iniiwan ang hangarin ng buhay na walang hanggan.

Ngayong Linggo ay Extreme Poverty Sunday. Pinapaalaala sa atin na maraming mga tao, at dumadami pa sila, na hindi lang mahihirap, kundi lubos na mahihirap. May mga tao sa buong mundo, at sa Pilipinas din, na nagugutom, na namamatay sa mga sakit na pwede namang gamutin pero walang pangpagamot, na walang malinis na tubig, na hanggang ngayon ay no read no write. Huwag natin silang pabayaan. Pananagutan natin sila, lalo na tayo na may kaya naman.

Ngayong linggo din ay ang Indigenous Peoples’ Sunday, Linggo ng mga katutubo. Marami sa mga katutubo natin ay mahihirap at pinapahirapan pa. Kinukuha ang mga lupaing ninuno nila. Ang mga lupain nila ang minimina at sila ay nalilinlang kasi hindi sila gaano nakapag-aral. At ang malungkot pa, ang mga paaralan nila ay sinisira ng military kasi pinagbibintangan silang komunista at rebelde. Pinapanatili silang mangmang upang madaling matakot at madaling malinlang.

Pero pahalagahan natin ang mga katutubo. Sila ang may malalim na kaugnayan sa kagubatan at sa kalikasan. Ang buhay nila ay nakasalalay sa lupa at sa dagat kaya sila ang makakatulong sa atin paano pangalagaan ang mga ito. Sa Linggong ito tinatapos natin ang Season of Creation, pero hindi tayo titigil na ipagtanggol, pangalagaan at itaguyod ang kalikasan. Ito ang tanging yaman na binigay sa atin ng Diyos dito sa Palawan. Tulad ng mga katutubo, maging mabubuting katiwala tayo ng kalikasan.

May second collection po tayo ngayon para sa mga grupo na tumutulong at nag-oorganisa ng mga katutubo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 23,969 total views

 23,969 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 35,015 total views

 35,015 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 39,815 total views

 39,815 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 45,289 total views

 45,289 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 50,750 total views

 50,750 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 7,286 total views

 7,286 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 8,383 total views

 8,383 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 13,988 total views

 13,988 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 13,506 total views

 13,506 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 14,834 total views

 14,834 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 19,080 total views

 19,080 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 19,508 total views

 19,508 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 20,568 total views

 20,568 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 21,878 total views

 21,878 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 24,607 total views

 24,607 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,793 total views

 25,793 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 27,273 total views

 27,273 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 29,683 total views

 29,683 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 32,956 total views

 32,956 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 29,118 total views

 29,118 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top