Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Oktubre 17, 2024

SHARE THE TRUTH

 557 total views

Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir

Efeso 1, 1-10
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Lucas 11, 47-54

Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Efeso 1, 1-10

Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mula kay Pablo, na naging apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos – Sa mga kapatid na nasa Efeso at tapat na namumuhay kay Kristo Hesus:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at sa gayo’y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayun kadakila ang pag-ibig na ipinadama niya sa atin! Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran upang lubos nating maunawaan ang kanyang lihim na panukala sa isasakatuparan sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng takdang panahon. Ang panukalang ito ay pag-isahin kay Kristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambulo,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 47-54

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang. Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon. Dahil dito’y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba’y papatayin nila at uusigin ang iba.’ Sa gayo’y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. Sinasabi ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa.

“Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok.”

At umalis si Hesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga eskriba at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo siya sa kanyang pananalita.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Hilingin natin sa Panginoon na maging makatotohanan tayo sa ating mga gawain.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin mong totoo ang aming puso sa iyo.

Sa ating buhay bilang bahagi ng Bayan ng Diyos, nawa’y magampanan natin ang mga hamon ng Ebanghelyo sa ating palagiang pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasang gawin ang mga bagay na nakikiayon o pagpapakitanto lamang, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinanghihinaan ng loob dahil sa ating hindi naging magandang ugali at pakikitungo nawa’y manumbalik sa pagsisimba sa pamamagitan ng ating pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang mapagpagaling na kamay ng Diyos sa dinaranas nilang mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sa buhay na ito nawa’y tanggapin sa walang hanggang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tulungan mo kaming sumamba sa iyo nang may totoong puso upang makalapit kami sa iyo sa espiritu at katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 16,552 total views

 16,552 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 31,629 total views

 31,629 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 37,600 total views

 37,600 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 41,783 total views

 41,783 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 51,066 total views

 51,066 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 104 total views

 104 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,023 total views

 1,023 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 1,339 total views

 1,339 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 1,669 total views

 1,669 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,162 total views

 2,162 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,446 total views

 2,446 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,427 total views

 2,427 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 2,605 total views

 2,605 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 2,933 total views

 2,933 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,203 total views

 3,203 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,202 total views

 3,202 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,374 total views

 3,374 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 3,134 total views

 3,134 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 3,552 total views

 3,552 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 3,597 total views

 3,597 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »
Scroll to Top