Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Oktubre 19, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,170 total views

Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf
at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Efeso 1, 15-23
Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Lucas 12, 8-12

Saturday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. John de Brebeuf and
Isaac Jogues, Priests, and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Efeso 1, 15-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking panalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Ikaw, O Poon, Panginoon namin,
laganap sa lupa ang iyong luningning,
at hanggang sa langit laging pupurihin.
Aawitang lagi niyong mga bata,
na wala pang malay at sariling diwa.

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Ang likha mong langit, kung aking pagmasdan,
pati mga tala, bituin at buwan;
ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya na sukat mong kalingain?

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
Ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 8-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.

“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.

“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Panginoon ang ating seguridad. Ipahayag natin ang ating tiwala sa kanya at manalangin tayo para sa lahat ng tao na kasama natin sa paglalakbay sa buhay na ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga anghel, ikaw ang aming tanggulan.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ipahayag ang Salita ng Diyos sa harap ng maraming pagbatikos at paglaban, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang matutuhang magtiwala sa banal na pagpapala ng Diyos gaano man kabigat ang ating mga pasaning suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang hanapbuhay nawa’y makakita ng trabaho at kumita ng kanilang ikabubuhay nang marangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa pagkakasakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pag-ibig at tiwala ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng mahabaging hatol at walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa iyong salita upang magkaroon kami ng lakas na magpatuloy pasanin ang mga kahirapan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,805 total views

 36,805 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 51,461 total views

 51,461 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,576 total views

 61,576 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,153 total views

 71,153 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,142 total views

 91,142 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 2,520 total views

 2,520 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 2,666 total views

 2,666 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 3,242 total views

 3,242 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 3,439 total views

 3,439 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 3,763 total views

 3,763 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 3,571 total views

 3,571 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 4,099 total views

 4,099 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,894 total views

 3,894 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 4,049 total views

 4,049 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 4,289 total views

 4,289 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 4,498 total views

 4,498 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 4,364 total views

 4,364 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 4,490 total views

 4,490 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 4,733 total views

 4,733 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,876 total views

 4,876 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top