15,242 total views
Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng
pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda.
Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang
kahalagahan ng pagbubuklod at sama-samang paglingkod sa pangangailangan ng mga manlalayag lalo na ang
pagpapatatag sa kanilang pananampalataya.
“Let us stand together in solidarity, reinforcing their faith and resilience. As leaders, your role extends beyond guiding
operations; your role is not just to guide but to inspire. It involves fostering a supportive environment where these qualities
can thrive,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Nawa’y magtulungan ang mga seafarers chaplain na isulong ang pananalangin bilang paraan sa pagsisimula ng kanilang
araw lalo na sa tuwing papalaot para maghanapbuhay upang mangibabaw ang paggabay ng Panginoon sa kanilang gawain.
Umaasa si Bishop Santos na magtulungan ang lahat ng sektor upang maipadama sa fisherfolks ang kahalagahan sa lipunan
sa pamamagitan ng pagkalinga.
“May we continue to work together, guided by their distinct qualities of: patience, perseverance, and productivity, to
create a community where every fisher feels valued, supported, and inspired,” dagdag ni Bishop Santos.
Hinangaan ng obispo ang matiyagang paghahanapbuhay ng mga mangingisda na sa kabila ng kawalang katiyakan ay
patuloy na nagtitiwala sa Diyos para sa kanilang ani.
Hiling ni Bishop Santos ang pagtutulungan sa paglunsad ng mga programang kapaki-pakinabang sa kanilang sektor na
kadalasang nalalayo sa pamilya upang mabigyang magandang kinabukasan ang mga mahal sa buhay.
“Your words and actions can uplift, inspire, and provide the moral and spiritual support that will see them through even
the most challenging times,” giit ng obispo.
Pinangunahan ni Bishop Santos ang closing mass sa tatlong araw na pagtitipon na sinimulan noong October 15 hanggang
17 sa inisyatibo ni Stella Maris-Philippines National Director Fr. John Mission katuwang si International Labor Organization
Philippines Project Director Hussein Macarambon.
Noong 2023 mahigit sa kalahating milyon ang mga Filipino seafarers na naglilingkod sa iba’t ibang shipping companies sa
mundo.
Sa kasalukuyan mayroong 17 Stella Maris Centers sa Pilipinas, lima sa Luzon na matatagpuan sa Batangas, La Union, Manila
Palawan, Pangasinan; anim sa Visayas sa Bohol, Capiz, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Leyte; at anim din sa Mindanao sa Basilan,
Cagayan de Oro, Davao, General Santos City, Iligan, at Zamboanga.Let us stand together in solidarity, reinforcing their faith and resilience. As leaders, your role extends beyond guiding
operations; your role is not just to guide but to inspire. It involves fostering a supportive environment where these qualities
can thrive,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos