15,328 total views
Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman.
December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan.
Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na kasalukuyang auxiliary bishop ng Diocese of Antipolo nitong October 18 kasabay ng pagdiriwang sa ika – 31 anibersaryo bilang pari.
1993 nang maordinahang pari si Bishop Buco at nagpakadalubhasa sa canon law kaya’t isa sa mga naging tungkulin nito sa diyosesis ang pagiging judicial vicar.
July 2018 nang hirangin ito ng santo papa bilbg katuwang na obispo ng Antipolo at ginawaran ng episcopal ordination noong September 8, 2018.
Kasalukuyang pinamunuan ni Bishop Buco ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) National Tribunal of Appeals.