Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga simbahan sa Diocese of Daet, binuksan sa mga evacuees

SHARE THE TRUTH

 742 total views

Binuksan ng mga parokya sa Diyosesis ng Daet, Camarines Norte ang mga simbahan at pasilidad upang pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Daet Diocesan Social Action Ministry (DSAM) director, Fr. Jojo Caymo, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSAM sa Parish Social Action Ministries (PSAM) upang mapabilis ang pagtukoy sa kalagayan ng mga apektadong pamilya at agarang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Bagamat hindi na bago sa Camarines Norte ang makaranas ng malalakas na sakuna, nabahala si Fr. Caymo sapagkat ngayon lamang nangyari lalo na sa bayan ng Daet ang matinding pagbaha.

“First time mangyari ito, sobrang baha,” ayon kay Fr. Caymo.

Batay sa situational report ng Daet DSAM, nasa higit 600 pamilya o 2,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers kung saan ang bayan ng Vinzons ang nakapagtala ng mas maraming bilang ng mga nagsilikas na umabot sa higit 400 pamilya o halos 1,300 indibidwal.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Fr. Rafa Rafael ng Diocese of Daet Office of Social Communications na patuloy na tinatanggap ng mga parokya ang mga apektadong pamilya upang pansamantalang manuluyan habang hindi pa humuhupa ang pagbaha at pag-uulan.

Kabilang naman sa mga nagbukas ng mga simbahan at pasilidad ang Shrine and Parish of Our Lady of Candelaria sa Paracale, Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban, San Diego de Alcala Parish sa Labo, at St. Francis of Assisi Parish sa Talisay.

“Ang simbahan, ang mga parokya po ay nagbukas para sa mga evacuees, sa mga nangangailangan and marami pong pumunta sa mga simbahan para doon magpalipas ng gabi,” pahayag ni Fr. Rafael.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at donasyon, magpadala lamang ng mensahe sa Diyosesis ng Daet facebook page upang makuha ang kumpletong detalye at pamamaraan sa pagpapadala ng tulong.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang bumilis ang pagkilos ng Bagyong Kristine habang napanatili ang lakas sa karagatan sa silangan ng Aurora.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 200 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora habang kumikilos patungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 69,521 total views

 69,521 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 84,598 total views

 84,598 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 90,569 total views

 90,569 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 94,752 total views

 94,752 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 104,030 total views

 104,030 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano, inilunsad ng Archdiocese of Lipa

 49 total views

 49 total views Inilunsad ng social arm ng Archdiocese of Lipa ang fund raising campaign bilang tugon sa panawagan ng mga lubhang naapektuhan ng sakuna sa Bicol Region. Ito ang “100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano” ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) na layong matulungan sa pamamagitan ng pinagsama-samang sandaang piso ang mga apektadong

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of Legazpi, nagpapasalamat sa Caritas Manila

 65 total views

 65 total views Ikinagalak ng Diocese of Legazpi ang natanggap na initial cash assistance mula sa Caritas Manila para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Social Action Center – Legazpi director, Fr. Eric Martillano, malaking bagay ang paunang tulong na P200,000 para sa mga pamilyang labis naapektuhan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng lahat sa bagyong Kristine, ipinagdarasal ng Diocese of Antipolo

 614 total views

 614 total views Ipinapanalangin ng Diyosesis ng Antipolo na nawa’y patnubayan ng Diyos ang sambayanang Pilipino, lalo na sa Bicol Region, mula sa matinding pagsubok na dala ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Hinihikayat ng diyosesis ang sama-samang pagtutulungan at pananalangin para sa katatagan at pag-asa ng mga lubhang nasalanta ng sakuna. Dalangin ng Diyosesis ng Antipolo

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

P1.2-M, inilabas ng Caritas Manila sa 6 Bicol diocese na apektado ng bagyong Kristine

 677 total views

 677 total views Naglabas ng P1.2 milyong piso ang social arm ng Archdiocese of Manila na paunang tulong para sa Bicol dioceses na lubhang nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P200,000 mula sa Caritas Manila ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga Pilipino sa bagyong Kristine, ipinagdarasal ng Obispo

 799 total views

 799 total views Ipinapanalangin ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino laban sa pinangangambahang epekto ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa. Hinihiling ni Bishop Mangalinao na ang hagupit ng bagyo nawa’y hindi magdulot ng labis na pinsala at paghihirap sa buhay. Bagkus, dalangin ng obispo na pagkalooban ng Panginoon

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of Virac, umaapela ng panalangin

 1,080 total views

 1,080 total views Umapela ang Diyosesis ng Virac sa Catanduanes ng pananalangin ng Oratio Imperata upang hilingin ang kaligtasan ng lahat mula sa epekto ng binabantayang Bagyong Kristine. 𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝑷𝒓𝒂𝒚𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓 𝒅𝒆𝒍𝒊𝒗𝒆𝒓𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝑻𝒚𝒑𝒉𝒐𝒐𝒏 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆 Almighty Father, we raise our hearts to You in gratitude for the wonders of creation of which we are part,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Naglilingkod sa mga bilanggo, kinilala ng CBCP-ECPPC

 1,245 total views

 1,245 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mahalagang tungkulin ng mga naglilingkod sa mga nasa bilangguan o persons deprived of liberty (PDLs) tungo sa pagkamit ng pag-asa at panibagong buhay. Ito ang pagninilay ni Legazpi Bishop Joel Baylon, vice chairman ng CBCP-ECPPC, para

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Edukasyon, nagbibigay ng bagong pag-asa-CFC

 1,958 total views

 1,958 total views Naniniwala ang Couples for Christ (CFC) na ang edukasyon ay nagbibigay ng bagong pag-asa, lalo na sa mga batang mula sa mga pamilyang kapos ang kakayahang pag-aralin ang mga anak. Ito ang pahayag ni CFC executive director, Bro. Jimmy Ilagan, kaugnay sa ginanap na ANCOP (Answering the Cry of the Poor) Global Walk

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

18K miyembro ng CFC, nakibahagi sa ANCOP Global Walk 2024

 2,023 total views

 2,023 total views Tinatayang nasa 18,000 miyembro ng Couples For Christ (CFC) mula sa 12 Metro Manila sectors ang nagtipon-tipon para sa ANCOP Global Walk (AGW) 2024 na inorganisa ng CFC – Answering the Cry of the Poor (ANCOP). Isinagawa ang pagtitipon sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City kung saan pinangunahan ng CFC

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

80 bansa, nakibahagi sa “one million children praying the rosary”

 2,241 total views

 2,241 total views Umaasa ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na sa pamamagitan ng pagbubuklod sa pananalangin ay makamit ang inaasam na kapayapaan at pagkakaisa sa buong daigdig. Ito ang mensahe ni ACN Philippines national director Max Ventura kaugnay sa matagumpay na One Million Children Praying the Rosary for

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DTI at FDA, hinamong mag-inspection sa mga pamilihan sa Metro Manila

 2,740 total views

 2,740 total views Hinamon ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng pagsusuri sa mga pamilihan sa Metro Manila matapos matuklasan ang talamak na pagbebenta ng mga laruang may sangkap na lead sa Metro Manila. Natuklasan sa pagsusuri ng grupo na 41 mula sa 50

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, makikiisa sa One million children praying the Rosary

 2,584 total views

 2,584 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa pandaigdigang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo para sa ganap na pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan. Sa liham sirkular, hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na tipunin ang mga kabataan upang makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayang apektado ng pagmimina, nanawagan ng rescue sa pamahalaan

 3,144 total views

 3,144 total views Nanawagan para sa agarang kaligtasan ang mga pamayanang apektado ng pagmimina sa mga lalawigan ng Palawan, Romblon, South Cotabato, at Surigao del Sur. Ayon kay Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) advocacy coordinator Maya Quirino, lumalaki ang pangamba ng mga apektadong pamayanan sa bansa kaugnay sa pagdami ng mga proyekto sa pagmimina

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagpahayag ng pagbati sa kauna-unahang obispo ng Diocese ng Prosperidad

 3,059 total views

 3,059 total views Nagpahayag ng pagbati ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang unang obispo ng bagong tatag na Diyosesis ng Prosperidad sa Agusan del Sur. Nagagalak ang Caritas Philippines sa panibagong misyon ni Bishop Labajo ay magbubunsod upang higit na maipalaganap

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tao ang kayamanan ng Pilipinas-bishop Aseo

 4,681 total views

 4,681 total views Hinamon ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mga lider ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga katutubong nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Ayon sa obispo, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi dapat sukatin sa pisikal o materyal na yaman lamang, bagkus, ang tunay na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top