3,507 total views
Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa ipinadalang Situationer Report ng Diocesan Social Action Center- Ilagan, umabot sa 2,155 Pamilya mula sa 5 Bikaryato ng Diyosesis ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyo.
Summary of evacuees from the 5 Vicariates of the Diocese reported by PSAC members:
– Our Lady of Pillar Vicariate– 550 families
– Our Lady of Immaculate Conception Vicariate– 111 families
– Our Lady of Lourdes Vicariate – 66 families
– Our Lady of Visitation Vicariate – 1,058 families
– Our Lady of Holy Rosary Vicariate – 370 families
Dahilan ito upang magsagawa na ng pagkilos ang tanggapan ng Diocesan Social Action Center sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga naka-preposition na relief goods sa mga Barangay na pinaka-naapektuhan ng baha.
“DSAC Ilagan is already having its emergency response to affected brethren, roving food packs (387 food packs) from the preposition to our affected brethren.” Ayon sa Report ng DSAC-Ilagan.
Sa mensahe na ipinadala ni Mo. Camille Marasigan FLDP, Social Action Director ng Diyosesis, umaapela na sila ngayon ng tulong para mapagkalooban pa ng karagdagang suporta ang mga nasalanta at nagsilikas na pamilya.
“DASC Ilagan already released a communication calling for donations to our affected brethren”
Kaugnay nito, Ilang mga tulay at pangunahing kalsada din sa Isabela ang hindi madaanan sa kasalukuyan dahil sa pag-apaw ng mga ilog.
– Annafunan and Gucab overflow Bridges in Echague are not passable.
– Maccalauat overflow Bridge, Brgy. Narra, Echague, Isabela is not passable.
– Baculud Bridge in Ilagan City is not passable since yesterday.
– Cabecera 8 Bridge in San Antonio is not passable. (high water level)
– Fugu bridge in Ilagan City is not passable. (high water level)
– Aggassian, City of Ilagan provincial road is not passable due to rise of water level in the river.
– Alicaocao bridge in Cauayan City, not passable. (high water level)
– Cabagan to Sta. Maria overflow bridge not passable. (high water level)
– Boundary Maligaya to Buyon Bridge and Buyon Bridge, not Passable (high water level)
– Turod (Banquero) Reina Mercedes under repair
Matatandaang nag-landfall ang Severe Tropical Storm Kristine sa Divilacan, Isabela Huwebes ng madaling araw matapos magdulot ng pinsala sa kabuuan ng Bicol Region at iba pang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Patuloy na naka-monitor ang iba’t-ibang Institusyon ng Simbahang Katolika sa epekto ng bagyo sa mga lalawigan o Diyosesis at naghahanda na para makapagsagawa ng agarang relief operation and response.
Para sa mga nais magbahagi ng pag-tulong sa Diyosesis ng Ilagan sa Isabela, maarign tumawag sa mga numerong, 09060579892, 09279126936 o sa 09178222844. Maari din bisitahin ang kanilang tanggapan sa Diocesan Social Action Center-Ilagan Inc. Office, Cathedral of St. Michael Compound Upi, Gamu, Isabela.