5,862 total views
Nakikiisa si Vatican Secretary for the Dicastery of Promoting Integral Human Development Sr.Alessandra Smerilli sa mga Pilipinong nasasalanta ng bagyo at sa patuloy na pagtugon ng Caritas Manila sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa Madre, mahalaga ang pagtugon sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong sa mga nasasalantang mamamayan ng kalamidad upang matulungan silang makaahon mula sa mga pagkasirang idinulot ng bagyo.
Panawagan ng Madre ang pakikiisa sa Caritas Manila na pinapangunahan ang mga pagtulong sa mga Diyosesis na lubhang nasalanta ng Bagyong Kristine.
Apela ni Sr.Smerilli ang pakikiisa sa Social Arm upang mapabilis ang mga pagpapaabot ng tulong na katulad ng pagkain, malinis na tubig at hygiene kits sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo o maari pa lamang maranasan ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
“It’s the First time in my life that I’ve been experiencing being in the middle of a Typhoon, last night an alarm was on saying that there are problems, I know people are dying, I know people are remaining without their houses and so I think we have to pray but also to be in solidarity with people who are loosing their houses, people who are experiencing losses and damages but also with whom is helping them, I think especially Caritas and people who are in the frontline and we need to have them and to be in solidarity with them,”
Tiniyak naman ng Madre ang pananalangin para sa kaligtasan ng mga nasalantang indibidwal higit na ng mga mamamayan kung saan inaasahan pang dumaan ang bagyo.
Nagkakaisa naman ang mga Diyosesis sa Pilipinas sa pananalangin upang ipag-adya sa mas malalamang kapamahamakan ang mga mamamaya mula sa bagyo kung saan una ng nagpadala ng tulong ang Caritas Manila sa anim na Diyosesis sa Bicol Region bilang paunang tulong matapos ang malawakan pagbaha.
Idinadaos narin ng Caritas Manila ang Donation Drives upang maipadala ang iba pang mamamahalagang pangangailangan ng mga mamamayang nasalanta sa magkakaibang bahagi ng Pilipinas.