89,876 total views
BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes).
Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit o kabayaran.
Makikita natin ang “spirit of bayanihan” sa panahon ng krisis at natural disasters tulad ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at iba pang trahedya.. Ang kulturang ito ay ipinamamalas pa rin ng mga Pilipino sa mga kanayunan.
Nakakalungkot lamang sa kasalukuyang modernong panahon… nakakalimutan natin ang kapangyarihan ng pagdadamayan.
Kapanalig, BAYANIHAN is more than just traditions; it’s a way of life, foster unity, trust and support, build stronger bonds at create a lasting relationship.
Nakasaad sa “Acts 20:35”, In all things I have shown you that by working hard in this way we must help the weak and remember the words of the Lord Jesus, how he himself said, ‘It is more blessed to give than to receive.’
Kapanalig… ipakita, isabuhay natin ang diwa ng “BAYANIHAN” nating mga Pilipino. Higit na kailangan sa kasalukuyan ang spirit of bayanihan.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nakalipas na tatlong araw ng pananalasa ng bagyong Kristine sa Luzon, Visayas at Mindanao… umaabot sa 431, 738-pamilya o 2,077,643 na indibidwal ang lubos na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine habang 7-katao ang nasawi.
Marami sa mga apektadong residente ang nawalan ng tirahan at kabuhayan at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kailangan po ng mga nasalanta ng bagyo ang ating tulong, ang ating suporta upang sila ay mabigyan ng pag-asa at makabangon mula sa pinsalang idinulot ng kalamidad.
Kapanalig, imagine a country where everyone helps one another without expecting anything in return? Ito ang tunay na diwa ng bayanihan.
Noong nakalipas na 2-araw, naglabas ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila ng inisyal na 1.2-milyong pisong tulong sa anim(6) na diocese na apektado ng bagyong Kristine…hindi po ito sapat na tulong para sa mahigit 2-milyong indibidwal na nasalanta ng bagyo..Ipinag-utos na rin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagsasagawa ng 2nd collections sa lahat ng misa ng mga parokya sa Archdiocese of Manila para sa mga naapektuhan ng bagyo.
Upang matugunan ang malaking pangangailangan at rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyo, inaanyayahan ang lahat ng Pilipino na makiisa sa Caritas Manila DAMAYAN telethon for typhoon Kristine na isasagawa sa Radio Veritas sa Lunes ika-28 ng Oktubre, 2028 mula alas-siete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
Sumainyo ang Katotohanan.