Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Nobyembre 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,214 total views

Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Mga Pagbasa para sa Unang Misa

2 Macabeo 12, 43-46
Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Roma 8, 31b-35. 37-39
Juan 14, 1-6

Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White)

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 12, 43-46

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, nagpalikom si Judas, ang pinuno ng Israel, ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi’y magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling tapat ay tatanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng mga namatay na ito ay patawarin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kaniya.
Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan,
alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad,
sa parang ay lumalago na animo ay bulaklak;
kapag ito’y nahanginan, nawawala’t nalalagas,
nawawala mandin ito at hindi na namamalas.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan,
sa sinuman sa kanya’y may takot at pagmamahal;
ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
Yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan,
at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

Panginoo’y nagmamahal
at maawain sa tanan.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8, 31b-35. 37-39

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak? Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinihirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at ngayo’y namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi magkapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos – pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 25, 34

Aleluya! Aleluya!
Halina at inyong kamtan
ang langit na kaharian
pamana ng Amang mahal.
Aleluya! Aleuya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Sumasampalataya tayo sa kasamahan ng mga banal. Taglay ang pananampalatayang ito, tulungan natin ng ating mga panalangin ang lahat ng namayapa, lalo na ang mga nangangailangan ng mga ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pakinggan mo ang aming mga panalanging bunga ng pag-ibig at pananampalataya.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman malimutan sa lupa ang Simbahang naghihintay para sa kaluwalhatiang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong natatakot harapin ang kamatayan nawa’y makatagpo ng pag-asa kay Kristong Muling Nabuhay at sa kanyang nagpapalinis na pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y maglubag ang kalooban sa kanilang pananalangin para sa kaluluwa ng kanilang minamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang habag na nahayag sa purgatoryo nawa’y magpatibay sa ating pagtitiwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kaluluwa ng mga hindi nakakilala kay Kristo noong sila ay nabubuhay pa nawa’y pagkalooban ng liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng buhay, inihahabilin namin sa iyong pangangalaga ang mga kaluluwa ng mga naghihintay na makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Manunubos, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

 


 

Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Mga Pagbasa para sa Ikalawang Misa

Karunungan 3, 1-9
Salmo 115, 15. 6; Salmo 116, 10-11. 15-16ak

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Roma 6, 3-4. 8-9
Juan 6, 37-40

Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White)

UNANG PAGBASA
Karunungan 3, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho.
Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan,
ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala
napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat.
Sila’y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,
kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,
at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 15. 6; Salmo 116, 10-11. 15-16ak

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

o kaya: Aleluya.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsasalita,
at hindi rin makikita, mga matang sadyang-sadya;
at hindi rin makarinig ang kanilang tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig,
bagamat ang aking sabi’y, “Ako’y ganap nang nalupig.”
Bagaman at ako’y takot, nasasabi ko kung minsan,
“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod;
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Sa piling ng Poong mahal
ako’y laging mamumuhay.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 6, 3-4. 8-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli ni Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 25, 34

Aleluya! Aleluya!
Halina at inyong kamtan
ang langit na kaharian
pamana ng Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 37-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Sumasampalataya tayo sa kasamahan ng mga banal. Taglay ang pananampalatayang ito, tulungan natin ng ating mga panalangin ang lahat ng namayapa, lalo na ang mga nangangailangan ng mga ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pakinggan mo ang aming mga panalanging bunga ng pag-ibig at pananampalataya.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman malimutan sa lupa ang Simbahang naghihintay para sa kaluwalhatiang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong natatakot harapin ang kamatayan nawa’y makatagpo ng pag-asa kay Kristong Muling Nabuhay at sa kanyang nagpapalinis na pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y maglubag ang kalooban sa kanilang pananalangin para sa kaluluwa ng kanilang minamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang habag na nahayag sa purgatoryo nawa’y magpatibay sa ating pagtitiwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kaluluwa ng mga hindi nakakilala kay Kristo noong sila ay nabubuhay pa nawa’y pagkalooban ng liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng buhay, inihahabilin namin sa iyong pangangalaga ang mga kaluluwa ng mga naghihintay na makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Manunubos, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 6,530 total views

 6,530 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 21,186 total views

 21,186 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 31,301 total views

 31,301 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 40,878 total views

 40,878 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 60,867 total views

 60,867 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,857 total views

 1,857 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 2,003 total views

 2,003 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,576 total views

 2,576 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,776 total views

 2,776 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 3,098 total views

 3,098 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 3,046 total views

 3,046 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,580 total views

 3,580 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,375 total views

 3,375 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,530 total views

 3,530 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,770 total views

 3,770 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,980 total views

 3,980 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,844 total views

 3,844 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,972 total views

 3,972 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,357 total views

 4,357 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »

Huwebes, Oktubre 31, 2024

 3,150 total views

 3,150 total views Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking sanggalang. Lucas 13, 31-35 Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 10-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Sa wakas,

Read More »
Scroll to Top