Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,323 total views

31st Sunday of Ordinary Time Cycle B
Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34

Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay sinusulat ng kamay. Tandaan natin na noong panahon iyon, marami ay no read no write. Mahalaga ang papel ng isang tao na marunong bumasa at sumulat. Ang mga binabasa at sinusulat nila noon ay ang Banal na Kasulatan, ang Bibliya.

Isang dalubhasang tao ang lumapit kay Jesus. Bakit? Kasi mainit na pinag-uusapan noon ng mga mag-aaral ng Batas kung alin sa mga Batas ni Moises ang mahalaga. Mayroong 613 na mga batas na matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya na tinatawag nila na Tora. Nandito ang mga batas ni Moises. Mahirap malaman at maisabuhay ang lahat na 613 na mga batas. Pinag-uusapan nila kung alin sa mga ito ang mahahalaga, kung alin nga ang pinakamahalaga, upang kung hindi man masunod ang lahat ng batas, at least masusunod nila ang pinakamahalaga.

Hindi nagdalawang isip si Jesus. Ang pinakamahalaga ay ang narinig natin sa ating unang pagbasa na galing sa aklat ng Deuteronomia: “Dinggin mo, Israel: ang Panginoong ating Diyos ay siya lamang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, kaluluwa at lakas.” Ang tawag dito ay SHEMA ISRAEL at sinasaulo at binabanggit ito ng bawat Hudyo araw-araw. Sinusulat nila ito sa isang maliit na kahon na nakatali sa kanilang ulo at brazo. Sinusulat ito sa kanilang pintuan at hinahalikan ito pagpasok at paglabas nila ng bahay. Ganoon kahalaga ang SHEMA ISRAEL para sa mga Hudyo.

Kung iisa lang ang Diyos, dapat buong buo ang paglilingkod natin sa kanya, kaya minamahal natin siya ng buong pagkatao natin. Wala na tayong ibang i-co-consider kundi siya lamang. Sa utos na ito may idinugtong agad si Jesus, ang utos na ibigin ang kapwa tulad ng pag-ibig sa ating sarili. Nakalagay din ito sa kasulatan at matatagpuan naman sa aklat ng Levitico, Levitico 19:18. Isinama ito ni Jesus sa pinakamahalagang utos kasi hindi maaaring paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa. Sinulat nga ni San Juan sa kanyang liham na hindi natin maaaring mahalin ang Diyos na hindi natin nakikita, na hindi natin minamahal ang kapwa na ating nakikita. Sa pagmamahal natin sa kapwa naipapahayag natin ang ating pag-ibig sa Diyos. Kaya nga sinabi ni Jesus kung pinapakain natin ang nagugutom, si Jesus ang pinapakain natin. Kung dinadalaw at inaalagaan natin ang mga may sakit at mga bilanggo, siya ang ginagawan natin ng mabuti. Noong nagpakita si Jesus kay Saulo sa daan patungong Damasko, tinanong niya si Saulo bakit niya siya inuusig sapagkat sa pag-uusig niya sa mga Kristiyano, si Jesus ang inuusig niya.

Ang isang malungkot na kasaysayan tungkol sa mga relihiyon ay ang mga digmaan at patayan na nangyayari sa ngalan ng Diyos. Mahal nila ang Diyos, ipinagtatanggol nila ang kanyang karangalan at dahil dito pinapatay nila ang mga hindi kumikilala sa kanilang Diyos at hindi nagpapahalaga sa kanya. Nagkaroon ng mga digmaan dahil dito – digmaan ng mga muslim at mga kristiyano, ng mga Buddhists at mga Muslim, ng mga Katoliko at mga Protestante. Hanggang ngayon patuloy pa ang patayan sa ngalan ng Diyos. Mga simbahan ng ibang relihiyon ay pinapasabog. Pinaghihiwalay nila ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa tao. Paano ba natin mapapahalagahan ang Diyos na pinapasakitan at pinapatay pa natin ang kapwa tao na ginawa ng Diyos na kalarawan niya?

May pagninilay ang eskriba na sinang-ayunan ni Jesus. Sabi niya na ang pag-ibig sa Diyos ng higit sa lahat at ng kapwa tulad ng sa sarili ay higit pa na mahalaga sa kaysa mag-alay ng handog na susunugin. Para sa mga Hudyo ang kanilang pagsamba sa Diyos ay ang pag-aalay ng mga hayop na kanilang sinusunog para sa kanya. Ang gawain ng pagsamba ay magiging katanggap-tanggap lamang sa Diyos kung ito ay ginagawa ng may pag-ibig. Huwag din natin hiwalayin ang pagsamba sa pagmamahal. Sinulat ni San Pablo, “Kahit na ialay ko man ang aking sarili kong buhay na walang pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin. Kahit na may malakas akong pananampalataya na mauutusan ko ang bundok na lumukso sa dagat pero wala naman akong pag-ibig, walang saysay ang pananampalatayang iyan.”

Tandaan natin na sumasamba tayo sa Diyos dahil sa mahal natin siya. Pero maaaring mangyari na ang gawain ng pagsamba ay ginagawa natin ng walang pag-ibig. Maaari namang nagsisimba tayo na walang pag-ibig sa Diyos. Basta na lang natin ito ginagawa. Maaari rin na nagproprosisyon tayo o nagdedecorate tayo ng altar hindi dahil sa pag-ibig. Maaari ngang nagcocontribute tayo sa pagpapatayo ng ating katedral pero walang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Ang mga gawaing pansamba at ang mga gawaing pangsimbahan ay may halaga sa mata ng Diyos kung ito ay galing sa ating pagmamahal sa kanya. At habang gumagawa tayo ng gawaing pansamba, pansinin din natin ang ating kapwa at tulungan sa kanilang pangangailangan kasi sa pagmamahal sa kapwa natin napaparangalan ang Diyos na nag-alay ng kanyang sarili para sa kapwa tao.

Sa Banal na Misa ipinagdiriwang natin ang pag-aalay ni Jesus. Ito ang pinakamataas na pagsamba sa Diyos. Ang pag-aalay ni Jesus ay bunga ng kanyang pagmamahal sa Diyos Ama at sa atin. Naging masunurin si Jesus sa kanyang Ama hanggang sa kamatayan sa krus. Mahal niya ang Ama kaya sumunod siya sa kalooban niya. Mahal din tayo ni Jesus kaya inalay niya ang kanyang sarili para sa atin. Ang pag-aalay ni Jesus na ating pinagdiriwang sa Banal na Misa ay ang pagbibigay niya ng kanyang pag-ibig – pag-ibig sa Diyos at sa tao. Tinutupad ni Jesus ang dalawang pinakamahalagang utos sa bawat misa na ipinagdiriwang natin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 9,876 total views

 9,876 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 41,015 total views

 41,015 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 46,601 total views

 46,601 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 52,117 total views

 52,117 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 63,238 total views

 63,238 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 2,427 total views

 2,427 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 8,032 total views

 8,032 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 5,502 total views

 5,502 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 7,550 total views

 7,550 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 8,878 total views

 8,878 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 13,124 total views

 13,124 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 13,552 total views

 13,552 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 14,612 total views

 14,612 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 15,922 total views

 15,922 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 18,651 total views

 18,651 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 19,837 total views

 19,837 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 21,317 total views

 21,317 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 23,727 total views

 23,727 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 27,012 total views

 27,012 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 28,800 total views

 28,800 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top