Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

 4,202 total views

Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay resulta ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng House Quad Comm sa mga umano’y kriminal na aktibidad na kaugnay ng mga POGO, tulad ng human trafficking at kalakalan ng ilegal na droga.

Ang panukalang batas ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.; Deputy Speaker David Suarez; at mga pinuno ng Quad Committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido Abante Jr., at Joseph Stephen Paduano.

Kamakailan, pinangunahan ng mga lider ng Quad Comm, kasama sina Gonzales at Suarez, ang pito pang mga mambabatas sa paghain ng panukalang na naglalayong gawing batas ang pagbabawal sa POGO sa buong bansa. Ito ay bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad mula sa mga kriminal na aktibidad na kaugnay ng mga POGO.

Ang panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng offshore gaming sa bansa at magpataw ng mga parusa sa mga lalabag.

Noong Oktubre 21, inihain ng Quad Comm ang mga kinakailangang dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese nationals na inaakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship upang makabili ng lupa at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.

Hinimok ng mega-panel ng Kamara, na kinabibilangan ng mga Komite sa Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, sa OSG na pabilisin ang pagsusuri at magsagawa ng mga legal na hakbang, kabilang na ang mga proseso ng civil forfeiture, kasama ang mga kaugnay na ahensya.

Ang panukalang Civil Forfeiture Act ay naglalayong pagtibayin ang pagbabawal sa pag-aari ng lupa ng mga dayuhan, na nakasaad sa 1935 Constitution.

Nilalayon nito ang mga indibidwal na lumalabag sa mga restriksiyon ng Saligang Batas sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng dokumento, na magpapahintulot sa pgkumpiska ng mga ari-arian.

“The continued violation to the provisions of our Constitution on alien land ownership cannot be allowed to continue,” ayon pa sa sinasaad ng panukala.

Binanggit ng panukala na marami sa mga lumalabag ay konektado sa mga POGO, na kamakailan ay ipinatigil ni Pangulong Marcos Jr. dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain.

Sa Konstitusyon ng Pilipinas ipinagbabawal ang pag-aari ng lupain ng mga dayuhan, maliban na lamang kung ito ay ipinamana.

Ang Article XII, Sections 7 at 8 ng 1987 Constitution ay nagtatakda ng mga paghihigpit sa pag-aari ng pribadong lupa, na tanging para lamang sa mga Pilipino o mga korporasyong may hindi bababa sa 60 porsyentong pag-aari ng mga Pilipino.

Ang panukalang batas ay naglalayong mahigpit na ipatupad ang probisyong ito, partikular na laban sa mga dayuhan na gumagamit ng mga pekeng dokumento upang makaiwas sa batas.

Ayon sa mga may-akda ng panukalang batas, naging talamak ang isyung ito sa mga nakalipas na taon, partikular na sa pag-usbong ng mga POGO sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Thousands of aliens have been flocking to the Philippines to establish [POGOs] which has turned out to be closely linked to criminal activities, such as human trafficking and illegal drugs,” ayon pa sa panukala.

Nabatid sa mga imbestigasyon na ang ilang mga dayuhan ay nakakakuha ng mga pekeng birth certificate, pasaporte, at iba pang opisyal na dokumento, na nagpahintulot sa kanila na ilegal na makabili ng mga ari-arian.

Sa ilalim ng Civil Forfeiture Act, ang anumang lupain na inilipat o ipinagkaloob sa isang dayuhang hindi kwalipikado ay ituturing na walang bisa.

Ang OSG, sa pakikipagtulungan ng Department of Justice, ay magsisimula ng mga proseso ng civil forfeiture.

Ang panukalang batas ay may mga probisyon na naglalayong tiyakin na ang mga ari-arian na na-forfeit ay magagamit para sa kapakanan ng nakararami.

Kung ang lupa ay pang-agrikultura, ito ay ipapamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agrarian Reform.

Habang ang mga Non-agricultural lan ay itatalaga naman para sa mga pampublikong serbisyo, tulad ng mga paaralan at ospital, o ipapasa sa mga lokal na pamahalaan para magamit sa serbisyong panlipunan.

Layunin din ng panukalang batas na pagbutihin ang monitoring at pagpapatupad sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan at ng Land Registration Authority.

Ang mga lokal na pamahalaan ay mag-uulat ng anumang kahina-hinalang paglilipat ng lupa sa OSG, habang ang LRA naman ay magbanantay ng mga paglilipat upang tiyakin ang pagsunod sa mga regulasyon.

Sa kabila ng mga limitasyon sa pagmamay-ari ng lupa para sa mga dayuhan, matagal nang sinasamantala ng ilang dayuhang mamamayan ang kahinaan ng batas, kadalasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng korporasyon o ilegal na proseso. Layunin ng panukalang batas na magtaguyod ng malinaw na sistema para sa civil forfeiture, o ang pagbawi ng mga ari-ariang nakuha sa ilegal na paraan.

“Moving forward, it is then imperative to never let such activities continue in the Philippines,” paliwanag pa sa panukala.

Dagdag pa rito: “Thus, by reiterating existing policies against foreign land ownership, establishing the necessary framework for better enforcement, and allocating any forfeited real property for public use, we can curb corrupt practices, if not eliminate them altogether.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,979 total views

 21,979 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,635 total views

 36,635 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,750 total views

 46,750 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,327 total views

 56,327 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,316 total views

 76,316 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 775 total views

 775 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 2,414 total views

 2,414 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 2,539 total views

 2,539 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 5,303 total views

 5,303 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 6,392 total views

 6,392 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 5,852 total views

 5,852 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 9,553 total views

 9,553 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,037 total views

 6,037 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 7,144 total views

 7,144 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 7,667 total views

 7,667 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 8,379 total views

 8,379 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 9,752 total views

 9,752 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 14,654 total views

 14,654 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 10,233 total views

 10,233 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 16,194 total views

 16,194 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top