2,256 total views
Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng simbahan.
“Our Society needs Leaders and we Look for Leaders who can empathize the needs of those being marginalized,” ayon sa pahayag ni Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon pa kay Bishop Jumoad, kinakailangang magkaroon ang bansa ng mga lider na may kakayahang makiramay at maglingkod nang tapat, lalo na sa mga sektor na madalas na napapabayaan.
Sinabi pa ng obispo, “We in the church are more willing to dialogue our candidates so that who ever will win, the agenda for good governance espoused by the church will be best remembered by them. Our people deserve leaders who can deliver the basic services so that society will really become peaceful.”
Binigyang-diin ng arsobispo na mahalagang ang bawat nahalal na opisyal ay may responsibilidad sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo upang maging mas mapayapa at maayos ang ating lipunan.
Sa kanyang panawagan, ipinahayag niya ang patuloy na suporta ng simbahan sa mga programa at polisiya na makakatulong sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng pagnanais ng simbahan na makipagtulungan sa mga lider ng pamahalaan upang matiyak ang pananagutan, integridad, at pagkalinga sa kanilang paglilingkod.
Umaasa rin si Arsobispo Jumoad na ang pagmamalasakit at mabuting pamamahala ay nawa’y tuwinang mangibabaw sa isip at puso ng bawat kandidato.
Una na ring nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nang hindi pag-eendorso ng kandidato sa halalan.
Sa hiwalay na panayam, nilinaw din Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang anumang larawang makikitang kasama ng mga opisyal ng simbahan ang ilang kandidato ay hindi nangangahulugang pagsang-ayon o pagkiling sa kanilang kandidatura at plataporma kundi pagtanggap bilang spiritual fathers.