Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Climate justice, ngayon na!

SHARE THE TRUTH

 34,274 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming lugar, maraming bahay at istruktura ang sinira ng malakas na hangin, at libu-libong kababayan natin ang hindi makapaghanapbuhay.

Gaya sa mga nakalipas na taon, matitindi ang mga bagyong dumaan sa ating bansa ngayong 2024. Noong Hulyo, hinila ng Bagyong Carina ang hanging habagat na nagbagsak ng ulang nagpalubog sa maraming lugar sa Luzon, lalo na rito sa Metro Manila. Mahigit 1.7 milyong pamilya o 6.5 milyong katao ang naapektuhan. Halos 50 naman ang namatay.

Noong Setyembre naman, nagdala rin ng matinding buhos ng ulan ang habagat na pinaigting ng Bagyong Enteng. Hindi bababa sa 20 ang namatay. Nasa tatlong milyong kababayan natin ang naapektuhan, at libu-libo ang kinailangang ilikas sa mga evacuation centers. Isa sa mga nakapanlulumong kuwento mula sa trahedyang ito ang pagkamatay ng isang buntis at dalawang bata sa Antipolo matapos matabunan ng landslide. Sa 41 na bayan at lungsod na nagdeklara ng state of calamity, 37 ay nasa Bicol.

Bicol din ang pinakamatinding naapektuhan ng Bagyong Kristine noong Oktubre. Sa lungsod ng Naga, bumuhos sa loob lamang ng 24 oras ang ulang katumbas ng dalawa’t kalahating buwan na buhos ng ulan. Mahigit 2.3 milyong pamilya o 9 na milyong katao ang naapektuhan ng bagyong nagpaapaw sa mga ilog, nagdulot ng pagguho ng lupa, at nagpatumba sa mga puno. Hanggang ngayon nga, may mga lugar pa ring hindi pa rin humuhupa ang tubig-baha.

Marami pa ring hindi naniniwalang dulot ng climate change ang pagtindi ng mga bagyong tumatama sa ating bansa. Ayon sa mga siyentipiko at eksperto, ang pagiging mas mapaminsala ng mga bagyo ay bunga ng patuloy na pag-init ng ating planeta. Tandaan nating mistulang gasolina ng mga bagyo ang init sa kalawakan at karagatan; mas mainit ang kapaligiran, mas mabilis mabuo ang mga ulap na magbabagsak ng ulan. 

Sa likod ng patuloy na pag-init ng ating planeta ay ang mga gawain ng taong nakasalalay sa paggamit ng fossil fuels para sa enerhiyang lilikha ng kuryente at magpapatakbo ng mga sasakyan. Nagbubuga ang mga ito ng tinatawag na greenhouse gases, na kapag naiipon sa kalawakan ay nagsisilbing harang sa paglabas ng init mula sa ating planeta. Malaking bulto ng greenhouse gases ay mula sa mga mayayaman at malalaking bansa, pero ang epekto ng pag-init ng planeta ay dinaranas ng mahihirap o papaunlad na mga bansang katulad ng Pilipinas.

Kaya matagal nang isinusulong ang tinatawag na climate justice. Ang climate change ay hindi lamang isyung pangkalikasan. Ito ay isyung pangkatarungan din. Dinaranas ng mga may maliliit na ambag sa pangkalahatang dami ng greenhouse gases—katulad ng ating bansa—ang malalakas na bagyo at matinding tag-init. Sa darating na linggo, ika-17 ng Nobyembre, magsasama-sama ang iba’t ibang grupo sa buong mundo para sa Global Day of Action for Climate Justice. Taunang paalala ito sa mga pamahalaang kilalanin na dehado ang maliliit na bansa sa mga epekto ng climate change at dapat itong itama.

Mga Kapanalig, sa climate change, paglalarawan ni Pope Francis sa Laudato Si’, kapwa tumatangis ang ating mundo at ang mahihirap. Kulang pa rin ang ginagawa ng mga pamahalaan—lalo na sa mga bansang responsable sa pag-init ng ating planeta—para patahanin ang mga iyak na ito. “Hanggang ngayo’y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap,” wika nga sa Roma 8:22. Dumaraing din ang mahihirap. Climate justice, ngayon na!

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,489 total views

 3,489 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,604 total views

 13,604 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,181 total views

 23,181 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,170 total views

 43,170 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,275 total views

 34,275 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,490 total views

 3,490 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,605 total views

 13,605 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 23,182 total views

 23,182 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,171 total views

 43,171 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 39,902 total views

 39,902 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,471 total views

 43,471 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 55,927 total views

 55,927 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 66,994 total views

 66,994 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,313 total views

 73,313 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 77,925 total views

 77,925 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,486 total views

 79,486 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,047 total views

 45,047 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,708 total views

 67,708 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,284 total views

 73,284 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,764 total views

 78,764 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top