64 total views
Idinaos sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang funeral Mass para sa yumaong Auxiliary Bishop Emeritus ng Archdiocese of Manila at dating Rector and Parish Priest ng dambana.
Pinangunahan ito ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at kaparian ng Archdiocese of Manila.
Sa misa ay inalala ni Bishop Tobias ang naging hitik at masaganang buhay ng yumaong Obispo na namatay noong November 13 sa ganap na alas onse ng umaga.
Ilan sa mga ito ay ang naging pamumuno ni Bishop Buhain sa maraming institusyon bilang pari at obispo.
“He entered San Carlos Seminary in Makati after graduating High School from Ateneo De Manila, he was then one of the rare vocation of the priesthood coming from the Ateneo, as a young priest after he studied in the Pontificio Collegio Filipino in Rome, he serve for long as a chaplain first at Manila Central University in Caloocan and later at Lyceum of the Philippine in Intramuros De Manila,” ayon sa pagninilay ni Bishop Tobias.
Si Bishop Buhain ay dati ding nagsilbi bilang General manager ng Radio Veritas Asia noong 1981 hanggang 1990.
Nagsilbi din ang Obispo bilang Chairman at Coordinator ng Cardinal Santos Hospital at Chinese Apostolate in the Philippines.
“Buong buhay mong minahal ang Panginoon at tinawag ka at isinama niya sa kaniyang panukala na ang lahat ay hahantong sa ikabubuti ng sinumang nagmamahal sa kaniya at yang Panginoon mong yan ang nagtatak sayo noong ikaw ay binyagan at gawin niyang Pari niya ng hugis ng kaniyang kaisa-isang anak upang ikaw ay manguna sa kadami-dami niyang mga kapatid,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Tobias.
November 19 ay idadaos ang funeral Mass Para kay Bishop Buhain sa Saint Michael the Archangel Parish sa General Evangelista Bacoor Cavite na susundan ng paglilibing kay Bishop Buhain sa Buhain-Javier sa family mausoleum sa Bacoor Cavite.