39 total views
Itatayo ng Diocese of Assisi sa Italy ang mahalagang ‘Memorial Museum’ upang alalahanin ang naging pagliligtas ng ibat-ibang pastol ng simbahan at indibidwal sa mga Hudyong nangangailangan ng tulong noong World War II.
Ayon sa Diocese of Assisi, papasinayaan ito sa Santuario della Spogliazione na bahagi ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng gawaing pinamagatang “For a Geography of Memory, from welcome to Brotherhood, a Path to Peace”.
Ayon kay Marina Rosati ng Diocese of Assisi at Curator ng Museo, paraan din ito upang alalahanin na naging ligtas na lugar ang Diocese of Assisi para sa mga Hudyong nangailangan ng matutuluyan noong lumala ang paniniil at pagpatay sa mga Hudyo at iba pang lahi dahil sa rasismo noong mga panahon ng World War II na nagtagal ng mahigit pitong taon.
“We have developed a project, entitled ‘For a geography of memory:
Assisi is the driving and operational center of charity and peace in the church
we will launch on the occasion of this event and which is the fruit of the desire to do
learn about positive experiences in one of the most tragic periods in history
contemporary who saved Jews, fleeing soldiers, military internees and
political opponents of the regime,” ayon sa mensahe ni Rosati na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.
Papasinayaan ang Museo sa November 30 sa pangunguna nila Diocese of Assisi Bishop Domenico Sorrentino.
Ito ay upang higit na alalahanin sa pamamagitan ng simbahan at kasaysayan ang paghihirap na dinanas ng mga biktima ng paniniil noong World War II sa Germany at ibat-ibang bahagi ng mundo.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, umabot sa 1,200 mga Hudyong mula sa Europa ang natulungan ng Pilipinas noong World War II upang makahanap ng matutuluyan o bagong tahanan matapos ang malawakang paniniil at pagpatay dahil sa kanilang paniniwala.
Nagtagal ito sa pagitan ng 1937 hanggang 1941 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ni Former President Manuel L. Quezon sa American Politician at Diplomat na si Paul McNutt.
Ang malawakang pagpatay sa mga Hudyong taga Europa noong World War II ay tinatawag na ‘Holocaust’, ipinag-utos ito ng Nazi German Regime sa pamumuno ni Adolf Hitler.
Ayon sa Statista, umabot sa anim na milyong hudyo ang ipinapatay sa Holocaust dahil sa paniniwala ni Hitler at ng Nazi German Regime na sinisira ng mga Hudyo ang ‘Aryan Race’ na ayon kay Hitler ay mas angat at maayos na uri ng tao.