Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mining moratorium, panawagan ng dalawang Apostoliko Bikaryato ng Palawan

SHARE THE TRUTH

 87 total views

Nananawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan para sa pagpapatupad ng mining moratorium upang mapangalagaan ang lalawigan bilang ‘last ecological frontier’ ng Pilipinas.

Sa pinagsamang liham pastoral, inihayag nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich ang matinding pagtutol sa pagmimina, na nagdudulot ng labis na pinsala sa kalikasan tulad ng pagkasira ng mga gubat, soil erosion, polusyon sa ilog, at pagkamatay ng coral reefs.

“Hindi lang nakakalbo ang mga bundok natin, nawawala pa ang mga lupa nito na inaanod ng ulan at baha. Nalalason ang mga ilog at nagiging banta sa ating kalusugan. Dala nito, nadudumihan ang ating mga dalampasigan at karagatan na nagdadala ngpagkamatay ng mga bahura natin at kawalan ng kabuhayan ng ating maliliit na mangingsda,” pahayag ng mga obispo.

Binanggit ng mga obispo ang kakulangan sa epektibong monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga lokal na opisyal, kaya’t hindi naipapatupad ang batas na nag-uutos na maipanumbalik ang mga nasirang lugar.

Sa mahigit 3,000 ektaryang namina sa ilang bahagi ng Palawan, wala pang 25% ang napanumbalik, na nagpapakita na walang responsableng pagmimina sa lalawigan.
Kaya naman panawagan ng mga obispo ang mining moratorium o 25-taong pagpapahinto sa lahat ng mining applications at expansions.

“Antayin na muna natin na magkaroon tayo ng teknolohiya at industriya na magpo-proseso dito sa atin ng ating mga mineral upang magkaroon ng sustainable na trabaho sa atin at mas tataas ang halaga ng mga mineral na kinukuha sa atin. Bantayan na muna natin ang mga nagmimina sa kasalukuyan kung kaya nilang maipanumbalik ang mga bundok at gubat na sinira nila,” giit ng mga obispo.

Hamon naman ng mga obispo sa mga mambabatas ng Palawan na magpasa ng moratorium sa pagmimina, katulad ng ginawa sa Mindoro, Marinduque, at Romblon, at binigyang-diin na unahin ang kapakanan ng lalawigan kaysa pansariling interes o impluwensiya ng mining companies.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga Palaweño, bilang mga mabubuting katiwala ng sangnilikha, na lumagda sa petisyong gawing ordinansa ang pagpigil ng pagmimina sa Palawan sa loob ng 25 taon.

“Yes to moratorium! Ito ang sigaw ng Inang Kalikasan; ito ang sigaw ng mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo na na-aapektuhan ng pagkasira na dala ng pagmimina; ito ang sigaw ng mga naniniwala na bilang katiwala may pananagutan tayong huwag sirain ang Palawan,” ayon sa liham pastoral.

Noong 2016, pinahintulutan ng DENR ang isang kumpanya na putulin ang halos 28,000 puno sa Palawan, at ngayong taon, nagpasa muli ito ng aplikasyon para sa karagdagang 8,000 puno, habang isa pang kumpanya ang pinayagang pumutol ng 52,200 puno.

Kasalukuyan ding may 67 mining exploration applications na sumasakop sa higit 200,000 ektaryang lupain sa Palawan, at 11 mining agreements na saklaw ang mahigit 29,000 ektarya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 55,280 total views

 55,280 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 69,936 total views

 69,936 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 80,051 total views

 80,051 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 89,628 total views

 89,628 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 109,617 total views

 109,617 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Michael Añonuevo

Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

 338 total views

 338 total views Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa. Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

 599 total views

 599 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Plastic treaty, panawagan ng LRC

 772 total views

 772 total views Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Panukalang NCQG sa COP29, tinututulan

 1,221 total views

 1,221 total views Hinikayat ng civil society groups ang pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga developing country mula sa Global South na tanggihan ang mapanganib na kasunduan sa climate finance. Kaugnay ito ng naging talakayan sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginanap sa Baku, Azerbaijan, hinggil sa panukalang New

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Jamie Rivera at Vehnee Saturno, judge sa kauna-unahang Radio Veritas Himig ng Katotohanan Liturgical Song Writing Contest

 3,278 total views

 3,278 total views Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846. Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

 3,908 total views

 3,908 total views Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa. Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

 4,132 total views

 4,132 total views Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 4,611 total views

 4,611 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 4,692 total views

 4,692 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 5,340 total views

 5,340 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

 5,378 total views

 5,378 total views Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito. Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

 5,528 total views

 5,528 total views Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

 5,641 total views

 5,641 total views Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna. Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 5,714 total views

 5,714 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 5,893 total views

 5,893 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top