64,067 total views
Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi na nabibigyan ng pansin ang kapanganakan ni Hesus na siyang tumubos sa mga kasalanan ng tao.Ang pagdiriwang natin ng Pasko ay dapat kakitaan ng pagmamahal at pagiging di-makasarili na itinuturo ng ating tagapagligtas…Upang madama natin ang tunay na kahulugan ng Pasko ay madama natin ang diwa ni Hesus.
Kapanalig, paano mo ipagdiriwang ang Pasko? Maganda na may pag-asa o nahaharap ka sa kawalan?
Sa ating mga ordinaryong manggagawa sa pribadong sektor, ginagawa natin ang “maghigpit-sinturon” sa ating holiday spending dahil sa kakulangan ng “buying power” na resulta ng mataas na bilihin at mababang pasahod.
Sa government sector ipinapatupad ang “keep the cork on the bubbly”… upang maiwasan ang pagpapasasa ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pera ng taumbayan tuwing holiday season ay isinabatas ang Republic Act No.6713 (RA-6713) o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees…Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal ang pagbibigay ng labis na Christmas gifts, year-end bonuses at allowances sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Gayunman hindi pa rin sinusunod ang RA 67-6713 ng mga ahensiya ng pamahalaan lalu na ang mga Government-Owned and Controlled Corporation… Noong taong 2023, ipinag-utos ng Commission on Audit sa limang G-O-C-C’s na kinabibilangan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) at National Housing Authority (NHA) na ibalik sa kaban ng bayan ang “disallowed Christmas gifts, year-end bonuses at allowances” sa mga opisyal at kawani nito na nagkakahalaga ng 427-milyong piso…Sinasabi ng COA na ang kalakaran ay paulit-ulit na ginagawa ng nasabing G-O-C-C simula pa noong 2009.
Nagkaroon ng 7-pitong desisyon ang COA na ibalik ang halos-kalahating bilyong pisong perks noong 2023 ngunit nailabas lamang nitong Nobyembre 2024 matapos maitatag ang COA-Decisions and Issuances Information System (CDIIS), isang online repository ng mga rulings ng Commission en Banc.
Ipinaalala ng COA sa GSIS at SSS na ang pondo ay hindi private funds, kundi ito ay pondo mula sa kontribusyon ng mga miyembro…nararapat pangalagaan at protektahan ang perang pag-aari ng mga miyembro nito.
Inirekomenda din ng COA sa Office of the Ombudsman na imbestigahan at kasuhan ang NHA, PCSO at PEZA sa patuloy na paglabag sa batas at regulasyon.
Sinasabi ng Exodus 6:8,,, “You shall not pervert the justice due to your poor in his suit…And you shall take no bribe, for a bribe blinds the officials and subverts the cause of those who are in the right”.
Sumainyo ang katotohanan.