26,027 total views
Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan.
Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong 2024, naitala sa 5.2-percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa na mababa sa target na 6-porsiyento… Sa September 2024 data ng Philippine Statistics Authority, bumagsak sa 3.7-percent ang unemployment rate o kabuuang 1.89-milyon ang walang trabaho.
Hindi pa rin nakakabangon ang malaking bahagi ng Pilipinas mula sa pinsala ng sunod-sunod na bagyo ,pagputok ng mga bulkan at climate crisis.
Kapanalig, ang matinding problemang ito ay tila naisasantabi, hindi pinapansin… natatabunan ito ng “Congress show at political mudslinging na pinangangambahang maging malalang “political storm” sa bansa.
Nabaling na ang atensyon nating mga Pilipino sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy na wanted sa kasong sexual abuse at human trafficking… Nawala na rin ang interes natin sa kaso ni dating Bamban Tarlac mayor Alice Guo na mayroong maraming identity at itinuturing na POGO queen.
Nagsimula ang Congress show sa QuadCom inquiry na binubuo ng House Committee on Dangerous Drug, Public Order and Safety, Human Rights at Public Account sa usapin ng POGO’s, illegal drug trade at extra-judicial killings kung saan naharap sa hot seat ang dating pangulong Rodrigo Rodrigo at mga dati nitong opisyal..Sa Senate inquiry, inako ng dating pangulong Duterte ang responsibilidad sa madugong war on drugs na ikinasawi ng 5,526 katao base sa records ng PNP habang sa estimate ng Commission on Human Rights halos 27-katao na sangkot sa iligal na droga ang napatay sa kampanya ng dating pangulo.
Kung kontrobersiya ang pag-uusapan, hindi naman nagpatalo si VP Sara Duterte sa amang dating Pangulo ng bansa. Dahil sa sobrang pressure ng Kongreso sa nawawalang 125-milyong pisong confidential at intelligence fund ng Department of Education noong ito’y kalihim. Sa isinagawang press conference noong November 23,2024 inihayag ni VP Sara ang death threats laban kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. at asawang si Liza kabilang din si House Speaker Martin Romualdez.Kapanalig, marami ang problemang kinakaharap ng bansa ngunit ang pangulo, bise-presidente at mga mambabatas ay abala sa batuhan ng putik..dahil sa pulitika at pansariling interes, nawawala na ang integridad at kababaang-loob sa ating mga lider ng bansa.
Sa harap ng pagbabangayan, nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan at nagbabangayang opisyal na “I humbly exhort you all to pray for them that they may receive the grace to exercise statesmanship in most trying times so that sobriety may prevail in our land, and that political issues and personal interests may not divide the nation,” pahayag ni Cardinal Advincula.
Nanawagan din si Antipolo Bishop Ruperto Santos, Military Ordinariate of Philippines Bishop Oscar Florencio at Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa mga mambabatas, pangulong Marcos at VP Duterte ng ceasefire, kahinahunan at reconciliation gayundin ang pagsasantabi ng pansariling interes at tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Sumainyo ang katotohanan.