259 total views
Ipinarating ni Father Roy Bellen – Radio Veritas Vice President for Operations ang pagbati sa mga nagwagi sa Radio Veritas Campus Hour Season 11.
Ito ay matapos igawad ng himpilan ang pagkilala sa walong Pamantasan at Kolehiyo na nakilahok ngayong taon sa Campus Hour Season 11.
Ayon sa Pari, sa pamamagitan ng mga kaparehong gawain ay inilalapit ang kabataan sa simbahan kung saan binibigyan ang mga kalahok na paaralan ng pagkakataon na mag-organisa ng isang oras na programa sa AM Radio.
“But everytime we see ang mga kabataan, it shows na may pagasa, merong bukas, may magandang nag-aabang sa atin so sa mga bata, thank you very much po, off course sa mga magulang sa mga schools for being part of this activity po ng Radio Veritas,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.
Paanyaya ng Pari sa mga kabataan na sa pamamagitan ng simpleng pakikinig sa mga programa ng Radio Veritas at sa susunod na Season ng Campus Hour ay maaring makibahagi sa mga adbokasiya ng simbahan at higit pang mapalaganap ang pananamapalataya.
Nagpapasalamat naman si Clark Ashley Sare nang Polytechnic University of the Philippines DZMZ Young Communicators Club sa pagkakataon na ibinigay ng Radio Veritas.
Ito ay matapos tanghalin bilang Best Campus Hour School ang programang pinangasiwaan ng PUP College of Communication kung saan sa kanila din iginawad ang mga parangal na Best Female Anchor: Lyene Maria Darang, kasama na ang mga parangal sa Best Radio and Tv Performance.
“I think there’s one think lang na we want to share to everybody and its trust talaga, trust to everyone, trust to everyone who is a part of this organization and alam namin sa sarili namin na we couldnt have done it without them, without trusting ourselves, and siempre without trusting the Lord na talaga namang nagbibigay sa amin ng opportunity na ibinigay samen na strength to continue all through out the whole process of production,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Sare.
Bukod sa PUP, iginawad naman ang mga parangal na Best Male Anchor kay John Serge Magat ng Universidad De Manila, Best Production Team sa Far Easter University, Best Program Theme Song sa Colegio De San Juan De Letran, Best Radio Drama sa Centro Escolar University – Malolos, Best Audio Production sa Baliuag University, Audience Choice Awards sa World Citi College Antipolo, Best Campaign Award sa FEU at ang Social Media Awards naman sa Colegio De Calumpit.