Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapanagot kay VP Sara

SHARE THE TRUTH

 21,638 total views

Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at hudikatura sa ngalan ng taumbayan.  

Ang unang nagsampa ng impeachment complaint ay isang grupong kinabibilangan ng mga dating opisyal ng gobyerno, kinatawan ng mga NGO, at mga relihiyoso. Inendorso ni Akbayan Representative Perci Cendaña ang kanilang reklamo. Naghain sila ng 24 articles of impeachment kung saan apat ay direktang paglabag umano sa Saligang Batas. Isa sa mga ito ay graft and corruption, kaugnay ng mga anomalya sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at iba pang pondo sa Department of Education. Inakusahan din si VP Sara ng bribery dahil sa ill-gotten wealth ng kanyang ama (na si dating Pangulo Rodrigo Duterte) na inilagak sa kanyang bank account. Inireklamo rin ang kanyang betrayal of public trust dahil bumiyahe siya sa Germany sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Carina noong Hulyo. Isinangkot din siya sa extrajudicial killings ng kanyang ama, sa pagtatanggol sa sex trafficker na si Apollo Quiboloy, at sa hindi maipaliwanag na yaman at ari-arian. Batayan din daw ng pagpapatalsik kay VP Sara ang pagbabanta niya sa buhay ni Pangulong BBM at kanyang mga kaanak.

Ang pangalawang impeachment complaint ay mula sa mahigit 70 indibidwal, kasama ang ilang dating mambabatas. Inendorso ito ng tinaguriang Makabayan bloc na kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga party-list groups na ACT Teachers, Gabriela, at Kabataan. Kasong betrayal of public trust ang pangunahing isinampa ng mga nagrereklamo laban sa bise. Hindi nalalayo ang kanilang mga dahilan sa unang complainants. Para sa kanila, makikita ang pagtataksil ng bise sa tiwala ng taumbayan nang abusuhin niya ang kanyang kapangyarihan sa paggamit ng confidential funds. Kinutya rin niya ang audit process ng utusan ng kanyang staff na magpasà ng fabricated documents (gaya ng mga resibong may kuwestyunableng pangalan katulad ng Mary Grace Piattos). Tahasan din daw niyang binastos ang mandato ng Kongreso dahil sa hindi niya pagsipot sa mga pagdinig at hindi niya pagsagot nang diretso sa mga tanong at minsa’y may pagbabanta pa. Dagdag ng mga complainants, malinaw na ang mga ginawang ito ng bise ay paglabag at pagtataksil sa kasunduan ng isang lingkod-bayan at taumbayan. Mabibigat na dahilan daw ang mga ito para patalsikin ang bise-presidente at pagbawalan nang humawak ng posisyon sa pamahalaan kailanman. 

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pampublikong opisina o posisyon ay kasunduan sa pagitan ng lingkod-bayan at taumbayan. Ang taumbayan ay ang pundasyon at pinagmumulan ng kapangyarihan ng mga lingkod-bayan. Dapat lamang igiit ng taumbayan ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagkilatis sa mga gawain ng mga lingkod-bayan at pagpapalit sa kanila, kung mapatutunayang hindi nila nagagampanan ang kanilang tungkuling itaguyod ang kabutihang panlahat o common good. Sa madaling salita, paalala ito sa lahat ng lingkod-bayan na ang taumbayan ang boss nila. 

Nasusulat sa Roma 13:4: “Sapagkat siya’y lingkod ng Diyos sa ikabubuti mo.” Ibig sabihin, ang ikabubuti ng taumbayan ang pinakamataas na prayoridad dapat ng mga lingkod-bayan. Kung ipinakikita nila ito, doon lamang sila tunay na makapaglilingkod sa Diyos. 

Mga Kapanalig, subaybayan natin kung uusad ang mga isinampang impeachment complaints. Alamin natin ang detalye ng mga ito. Pag-usapan natin ang isyu kasama ng ating mga kapamilya, kaibigan, katrabaho, o kaparokya. Siguruhin nating mangingibabaw ang katotohanan sa mga pag-uusap na ito. Kung magkakaroon man ng impeachment process, mapanagot dapat ang mga dapat managot sa taumbayan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 2,611 total views

 2,611 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 21,639 total views

 21,639 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 16,994 total views

 16,994 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 25,704 total views

 25,704 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 34,463 total views

 34,463 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Eat Healthy This Christmas 2024

 2,613 total views

 2,613 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 16,996 total views

 16,996 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 25,706 total views

 25,706 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 34,465 total views

 34,465 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 42,616 total views

 42,616 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 50,632 total views

 50,632 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 45,204 total views

 45,204 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 50,674 total views

 50,674 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 42,215 total views

 42,215 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 44,252 total views

 44,252 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 55,281 total views

 55,281 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 60,054 total views

 60,054 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 65,521 total views

 65,521 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 70,975 total views

 70,975 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 42,876 total views

 42,876 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Scroll to Top