Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 11,363 total views

Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe
Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37

Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng wakas ng panahon. Magwawakas ang mundo pero hindi natin ito kinatatakutan kasi sa wakas ng panahon mahahayag na ang kadakilaan ni Jesus. Makikilala na siya ng lahat na hari, siya ang hari ng mga hari, na ang ibig sabihin, ang pinakadakilang hari. Mga kapatid, hari si Jesus, pero kakaiba ang paghahari niya, kaya hindi siya madaling makilala ng maraming tao bilang hari. Ito ang sinabi niya kay Pilato noong siya ay hinuhusgahan nito. Sa tanong: “Ikaw ba ay hari ng mga Hudyo?” ang sagot ni Jesus ay: “Ang paghahari ko ay hindi sa sanlibutang ito.” Tama ang conclusion ni Pilato: “Kung gayon, isa kang hari.” Kaya, hari nga si Jesus.

Pero may malaking pagkakaiba ang paghahari niya. Hindi nga ito tulad ng paghahari sa mundong ito. Sa mundong ito ipinagtatanggol ng mga tauhan ang kanilang hari. Namamatay ang mga tao para sa kanilang hari. Hindi ganyan si Jesus bilang hari. Siya pa ang namatay upang tayo ay mabuhay. Ang mga hari sa mundong ito ay siyang sinusunod. Ang mga salita niya, kahit mali, ay sinusunod. Binabale-wala ng mga hari ang katotohanan, basta lang masunod ang gusto nila. Hindi ba nangyayari din iyan sa ating panahon? Maraming kasinungalingan ang sinasabi ng mga president at dakilang tao sa pamahalaan at hindi naman sila pinanagot sa mga kasinungalingang iyon. Maliwanag na sinabi ni Jesus na ang dahilan bakit siya ipinanganak at naparito sa sanlibutan ay upang magsalita tungkol sa katotohanan. Hindi ang gusto niya ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang katotohanan, kaya ang nagpapailalim sa katotohanan ay nakikinig sa kanyang tinig. Ang trono ng haring ito ay ang krus at ang korona niya ay ang koronang tinik. Talagang kakaiba ang haring ito.

Ngunit sa wakas ng panahon titingalain siya ng lahat, pati na ng sumibat sa kanyang tagiliran. Darating muli ang haring ito ng buong kapangyarihan at kaluwalhatian. Kikilalanin siya na Alpha at Omega. Ang alpha ay ang unang letra ng Greek Alphabet at ang Omega ay ang huling letra. Siya ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas ng lahat. Ang lahat ay nilikha ng Diyos Ama dahil sa kanya at sa wakas ang lahat ay mapapasailalim sa kanya.

Ang dakilang paghahari ni Jesus ay nakinita na ni propeta Daniel. Darating ang isa na tila tao, na anak ng tao, at lalapit siya sa nakaupo sa Trono at bibigyan siya nito ng kapamahalaan, karangalan at kapangyarihan at paglilingkuran siya ng lahat ng tao, lahat ng bansa at lahat ng wika. Mamamahala siya sa lahat at ang hindi na magtatapos ang kanyang paghahari. Ang katuparan ng pangitaing ito ni Daniel na ating napakinggan sa unang pagbasa ay si Jesus, kaya ang paboritong tawag ni Jesus sa kanyang sarili ay ANAK NG TAO. Maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ang tawag na ito. Para sa marami na mababaw lang ang paniniwala, ang ibig sabihin ng Anak ng Tao ay ordinaryong tao. Ito ay nagpapahiwatig ng karupukan ng buhay ng tao. Mahina siya at madaling mamatay. Pero sa mga may alam kay propeta Daniel at may pananampalataya, ang Anak ng Tao ay isang title ng isang binigyan ng Diyos ng buong kapangyarihan. Walang hanggan ang paghahari niya. Totoo naman kay Jesus ang dalawang kahulugan nito. Siya ay ordinaryong tao lang at namatay nga siya sa krus, pero siya ay mabubuhay muli at babalik muli na puno ng kadakilaan magpakailanman. Ang Jesus na sinasamba natin na maliit na bata sa Santo Nino, ang Jesus na nakadapa sa Poong Nazareno na nagbubuhat ng kanyang Krus, ang Jesus na nakapako sa krus, at ang Jesus na hawak hawak ni Maria ang kanyang bangkay na wala nang buhay, ay siya ring Jesus na pinupugayan natin ngayon na isang magiting na hari na may koronang ginto at nakasuot ng malaharing damit. Ito ay ang Jesus na mananatili, at inaasahan nating mapasama sa kanya sa kanyang kaharian magpakailanman.

Kung ibig nating maging kasama ng dakilang haring ito sa wakas ng panahon, samahan na natin siya ngayon. Magpailalim tayo palagi sa katotohanan. Huwag lang natin tanggapin ang katotohanan, mamuhay tayo ng totoo at hindi nagkukunwari. Tanggapin natin at paglingkuran ang mga mahal niya sa buhay – ang mga mahihirap. Ano ang ginagawa natin o hindi natin ginagawa sa kanila ay ginagawa o hindi natin ginagawa kay Jesus. Mahalin na natin siya ngayon at sinabi niya na ang nagmamahal sa kanya ay sumusunod sa kanyang mga utos. Tulad niya na ang paghahari niya ay ang pinapakita sa service, maglingkod din tayo sa ating communities at sa ating kriska. Para sa ating mga kristiyano ang paglilingkod ay ang pagsasabuhay ng pagiging hari.

Dinadakila ka namin Panginoong Jesus. Maghari ka sa amin ngayon at magpasawalang hanggan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 2,464 total views

 2,464 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 21,491 total views

 21,491 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 16,847 total views

 16,847 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 25,557 total views

 25,557 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 34,316 total views

 34,316 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 5,318 total views

 5,318 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 8,728 total views

 8,728 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 9,878 total views

 9,878 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 12,118 total views

 12,118 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 9,345 total views

 9,345 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 10,442 total views

 10,442 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 16,047 total views

 16,047 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 13,517 total views

 13,517 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 15,565 total views

 15,565 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 16,893 total views

 16,893 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 21,139 total views

 21,139 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 21,567 total views

 21,567 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 22,627 total views

 22,627 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 23,937 total views

 23,937 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 26,664 total views

 26,664 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top