399 total views
Ito ang payo ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga mambabatas na nagsusulong na ibaba sa 9-taong gulang ang criminal age liability mula sa 12-anyos.
Ayon kay Bishop Ongtioco, dapat isiping mabuti ng mga mambabatas ang negatibong epekto ng pagpapaba sa edad ng minimum criminal liability age.
Sinabi ni Bishop Ongtioco na sobrang bata ang siyam na taong gulang upang ibilang sa mga kriminal ng lipunan.
Pinayuhan ng Obispo ang mga mambabatas na pagtutuunan ng pansin ang mga batas na magpapalago sa buhay ng mga bata na siyang kinabukasan ng bayan sa halip na sirain sa murang edad pa lamang.
Inihayag ng Obispo na edukasyon ang mahalagang isulong na programa ng gobyerno lalo na ang libreng pagpapaaral sa mga mahihirap na kabataan.
“I hope our lawmakers will think twice before pushing this plan. A 9-year old person is too young to be classified a criminal! Education of young people is important.”pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Nabatid sa datos ng Philippine National Police na nakapagtala sila ng 20,584 mga menor de edad na itinuturing na drug users at runners na sumuko sa batas mula nang simulan ang “war on drugs” ng administrasyong Duterte.
Nauna rito, pinapurihan ng Pro-Life Philippines ang dumaraming kabataan na umaanib sa samahan para ipagtanggol ang sagradong buhay.
Read: http://www.veritas846.ph/kabataan-tagapagtanggol-na-rin-ng-buhay/