Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi nanahimik ang mga obispo

SHARE THE TRUTH

 200 total views

Mga Kapanalig, noong ika-5 ng Pebrero, binasa sa maraming parokya ang isang liham ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP. Ang pamagat ng liham ay hango sa Ezekiel 18:32: “Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!” Kinukondena ng ating mga obispo, sa pamamagitan ng nasabing liham, ang pagpaslang sa libu-libo sa ngalan ng kampanya ng administrasyon laban sa masamang droga.

Makalipas ang dalawang araw, naglathala ng editoryal ang pahayagang Philippine Daily Inquirer na pinamagatang “Bishops find their voice”; sa Filipino, “Nahanap ng mga obispo ang kanilang tinig.” Sinuportahan ng editoryal ang panawagan ng CBCP na itigil ang patayan. Ngunit sinumbatan din nito ang pananahimik daw ng mga obispo sa loob ng nakaraang pitong buwan.

Ibang-iba ang tono ng editoryal na ito sa tono ng bukás na liham sa mga obispo na inilathala sa parehong pahayagan noong ika-28 ng Enero, bago pa nalagdaan ang liham ng CBCP. Ang sulat sa mga obispo ay pinamagatang “Our shepherds have not been silent”; sa Filipino, “Hindi nanahimik ang ating mga pastol.” Dito nagpasalamat ang mga pinuno ng tatlong organisasyong katuwang ng Kapisanan ni Hesus (o ng mga Heswita) dahil sa patuloy na pagsaksi ng mga obispo laban sa patayan.

Ginunita nila ang unang liham ng CBCP noong Hunyo 2016, noong nagsisimula pa lang ang kaliwa’t kanang patayan. Sa liham na iyon, nakiusap ang CBCP sa kapulisan na ingatan ang karapatan at buhay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga. Pinaalalahanan din ng CBCP ang mga mananamapalatayang huwag hayaan, lahukan, o ayudahan ang vigilantismo.

Pinuri ng sulat sa mga obispo ang pahayag ng pakikiramay at pakikiisa ng CBCP Permanent Council, noong Setyembre 2016, sa mga pamilya ng pinapaslang. Gayundin ang pahayag laban sa patayan ng tatlong obispo at isang administrador ng mga diyosesis sa Negros noong Oktubre, at ang indibidwal na pahayag ng mga obispo sa iba’t ibang lugar.
Samakatuwid, mga Kapanalig, hindi nanahimik ang ating mga obispo sa loob ng nakaraang pitong buwan. Patuloy silang sumasaksi sa kasagraduhan ng buhay, kahit batikusin sila ng mga opisyal at tagasuporta ng administrasyon, at kahit tila hindi sila pinakikinggan ng iba.

Marami ring laiko, pari, at madre ang maagang sumalungat sa karahasan ng kampanya laban sa droga. Sa unang buwan ng administrasyong Duterte, Hulyo 2016, nagpahayag laban sa mga pagpaslang ang mga pangulo ng dalawang pamantasang Katoliko, ang Ateneo at La Salle. Noong ikalawang buwan, Agosto 2016, nagpahayag din ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas o LAIKO, ang organisasyong nagbibigkis sa lahat ng samahang laiko ng Simbahan. Agosto 2016 din nagpahayag ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines o AMRSP, ang organisasyon ng mga pinuno ng pinakamalalaking kongregasyong relihiyoso sa bansa.

Ngunit nakalulungkot na nakararami pa ring Katoliko ang nananahimik o pinapalakpakan pa ang mga pagpaslang. Ang mistulang pagkunsinting ito ng maraming Katoliko sa patayan ay ikinabahala ng CBCP sa huli nilang liham. Anila, “Kapag sinang-ayunan o pinabayaan natin ang patuloy na pagpapapatay sa mga itinuturing na lulong sa droga at mga nagtutulak nito, kasama na tayong mananagot sa pagpatay sa kanila.”

Ang araw na ito, ika-13 ng Pebrero, ang ika-31 anibersaryo ng makasaysayang “Post-Election Statement” ng CBCP noong 1986. Naging inspirasyon ito sa maraming Katoliko na buwagin ang diktadura. Hindi pa humahantong sa diktadura ang kalagayan natin ngayon. Hindi napapanahong buwagin, kahit sa payapang paraan, ang isang administrasyong marami mang pagkukulang ay lehitimong naihalal. Maaari pang maghanap ng paraang napapaloob sa proseso ng Saligang Batas upang itama ang mga patakarang hindi gumagalang sa buhay.

Ngunit maaari nating hanguin sa “Post-Election Statement” noong 1986 ang paanyaya ng mga obispo noon sa sambayanan: na bumuo ng hatol tungkol sa mga nangyayari; at kung ang hatol natin ay tulad ng sa mga obispo, sama-samang pagdasalan at pagnilayan ang tamang pagkilos ayon sa diwa ni Hesus.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 27,345 total views

 27,345 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 38,420 total views

 38,420 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 44,753 total views

 44,753 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 49,367 total views

 49,367 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 50,928 total views

 50,928 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 27,346 total views

 27,346 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 38,421 total views

 38,421 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 44,754 total views

 44,754 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 49,368 total views

 49,368 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 50,929 total views

 50,929 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 42,535 total views

 42,535 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,199 total views

 65,199 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 70,775 total views

 70,775 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 76,256 total views

 76,256 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 87,369 total views

 87,369 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 83,368 total views

 83,368 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,070 total views

 71,070 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 79,552 total views

 79,552 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 72,611 total views

 72,611 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 79,535 total views

 79,535 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top