2,423 total views
Bumuo ang Department of Social Welfare and Development ng action plan na tatawaging Oplan Linog upang palakasin ang malawakang pagtugon sa pangangailangan ng mga survivors ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao.
Ayon kay Welfare Secretary Judy Taguiwalo, sa pamamagitan nito ay matitiyak na maagap at mahusay na maipamamahagi ang relief assistance sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol.
“Sa pamamagitan ng Oplan Linog ay nais namin matiyak na maagap at mahusay na maipapamahagi ang relief assistance sa mga lugar na naapektuhan ng lindol,” pahayag ni Taguiwalo.
Bukod dito, bahagi din ng Oplan Linog ang pag-aaral na ginagawa ng local at national government upang matukoy kung paano mabilis na maisasagawa ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasira.
Sa kasalukuyan patuloy ang monitoring na ginagawa ng pamahalaan sa 74 na pamilya na katumbas ng 370 taong naninirahan parin sa Provincial Capitol grounds at sa mahigit 1,500 pamilya na katumbas ng may 7,800 indibidwal na naninirahan naman malapit sa labas ng kanilang tahanan.
Sa bahagi naman ng simbahan, nakahanda na ang CBCP Episcopal Commission on Healthcare na magbigay ng psycho-social intervention at Water Sanitation at Hygiene sa mga quake survivors.
Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-magsasagawa-ng-health-intervention-sa-mga-biktima-ng-lindol/