181 total views
Ito ang pahayag ni outgoing Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi maituturing na ‘special privilege’ ang paglalagay ng mga aircon sa piitan ng mga high profile inmate na tumistigo laban kay Senador Leila de Lima.
Ayon pa Archbishop Arguelles,mas makabubuti kung palakihin ang espasyo ng mga bilangguan upang makapasok ang hangin at hindi sila makulob sa selda dahil na rin sa overcrowded.
Nabatid batay sa International Centre for Prison Sudies ika – 12 ang Pilipinas sa may pinaka – marami ang naka – bilanggo o katumbas ito ng 142, 168 na naitala noong Hulyo taong 2016.
Iginiit rin ng arsobispo na dapat ay mabigyan rin ng sapat na suplay ng tubig ang mga bilangguan upang mapanatili ang kanilang kalinisan.
“Halimbawang naka – aircon ay mas malaki ang gastos nun dapat paluwangin, maging more comfortable. Lalo na at kulang ang panligo nila ang tubig para maligo sila. Dapat may hygiene, may enough space, mayroong water panlinis hindi aircon. Ang aircon masisisra lamang sapagkat kung hindi sila naliligo ang baho ay mananatili sa loob.” pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, sinabi pa ni Archbishop Arguelles na para sa Simbahang Katolika ang bilangguan ay hindi larawan ng kaparusahan kundi ng pagbabagong buhay upang maibalik muli ang nagkasala sa lipunan at makapamuhay ng matiwasay.
“Sa Simbahan ang prisoners ay hindi para parusahan, hindi punitive kundi rehabilitative kailangan i – rehabilitate sila para maging mas mabuting mamamayan,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Veritas Patrol.