Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mayon volcano heritage aesthetic lighting project, tinututulan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

 12,763 total views

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Legazpi ang panukalang “Mayon Volcano Heritage Aesthetic Lighting Project” na layong palakasin ang turismo at ekonomiya ng Albay.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Bishop Joel Baylon at ng mga pari ng diyosesis na hindi na kailangang liwanagan ang Bulkang Mayon dahil likas na itong maganda at kamangha-mangha.

Anila, ang paglalagay ng ilaw sa mga dalisdis ng bulkan ay hindi maituturing na pagpaparangal kundi panghihimasok sa likas nitong kalagayan.

“Mayon does not need to be lighted up. She needs to be left alone. Mayon is already one of the most magnificent expressions of God’s creation—not because of what we add to her, but because of what she already is,” ayon sa pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Ipinahayag din ng diyosesis ang labis na pagkabahala sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na’t patuloy na kinakaharap ng mga residente ng Albay ang kakulangan ng kuryente, mahinang imprastraktura, at kaunlarang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

Sa halip, iminungkahi ng lokal na simbahan na ilaan ang pondo sa mas makabuluhang proyekto tulad ng pagpapailaw sa mga kalsada sa lalawigan at mga pamayanan upang maiwasan ang mga aksidente sa gabi at mapigilan ang krimen.

Binigyang-diin din ng diyosesis ang pangangailangang tugunan ang mas malalalim na suliranin sa lalawigan tulad ng quarrying, pagtatapyas ng mga bundok, at hindi makatarungang paggawa ng mga kalsada–mga proyektong madalas isinasagawa nang walang konsultasyon o pahintulot mula sa mga apektadong pamayanan.

“We urge our leaders to listen—not only to experts and environmentalists, but to the people who live in the shadow of this volcano… Let Mayon remain as she is: mysterious, beautiful, and free. Let us light up instead our communities with justice, sustainability, and truth—not floodlights aimed at a volcano that never asked for them,” giit ng Diyosesis ng Legazpi.

Kasunod naman ng pahayag ng diyosesis, inanunsyo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagbawi sa P500-milyong proyekto, bilang tugon sa mga pangamba ng mga stakeholder at ahensya ng pamahalaan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 7,291 total views

 7,291 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 28,019 total views

 28,019 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 36,334 total views

 36,334 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 54,981 total views

 54,981 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 71,132 total views

 71,132 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
12345

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 3,908 total views

 3,908 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 5,643 total views

 5,643 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 11,009 total views

 11,009 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 12,994 total views

 12,994 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112