Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang lupa ay para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 72,506 total views

Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National Land Use Act (o NLUA) kung mananalo sila sa darating na eleksyon. 

Sa kanilang campaign sortie sa Laguna, sinabi ng isang kandidato na patuloy na liliit ang mga lupang sakahan sa bansa kung hindi maisasabatas ang NLUA. Aniya, no choice ang mga magsasaka kundi ibenta ang kanilang lupa sa mga developers, lalo na kung mababa na nga ang kanilang kinikita, kulang pa ang suporta ng pamahalaan sa kanila.

Sa Regional Development Plan ng Region IV o mas kilala bilang CALABARZON (na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), lumalabas na mula 1988 hanggang 2018, mahigit 20,000 ektarya ng lupang sakahan ang inaprubahan ng Department of Agrarian Reform para i-convert sa ibang gamit. May mga nangyayari ding premature conversion o pag-convert ng lupang sakahan nang hindi dumadaan sa tamang proseso. Sa paglaki kasi ng ating populasyon, kailangan ng mga lupang pagtatayuan ng mga bahay at negosyo. Bagamat ito ay makatwiran, hindi naman makatarungan ang pagkawala ng mga lupang sakahan. Bukod sa inilalagay nito sa panganib ang food security ng bansa, nawawalan din ng hanapbuhay ang mga magsasaka.

Kung maisasabatas ang NLUA, masisiguro ang wastong alokasyon at pagplano ng paggamit ng mga lupa. Magkakaroon din ng mahihigpit na patakaran at panuntunan tungkol sa land use conversion. Malilinaw din ang mga kategorya ng mga lupa base sa kanilang pwedeng maging gamit—ito man ay para sa tirahan, produksyon, imprastraktura, o mga likas-yamang dapat protektahan. Naglalaman din ang NLUA ng mga probisyon para sa sustainable na paggamit ng lupa, kung saan binibigyang-pansin ang pagprotekta sa kalikasan at pagtugon sa climate change.

Batay sa Local Government Code, may kanya-kanyang land use plan dapat ang mga local government units o LGU. Sa kawalan ng NLUA, walang nagsisilbing pambansang gabay, kaya’t posibleng umiral ang mga personal na interes ng mga namumuno sa pagpapatupad nito. Hindi rin nababantayan kung lahat ng LGU ay may land use plan o kung updated ang mga ito. Kaya naman, malaki ang tsansang maabuso ang paggamit ng lupa para sa kita.

Isa sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang karapatan ng bawat isang magmay-ari. Pero nakakabit din dito ang tinatawag na universal purpose of earthly goods; ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay para sa kabutihang panlahat. Hindi mali ang bumili at magmay-ari ng piraso ng lupa para magtayo ng tirahan o negosyo. Pero hindi na ito tama kung nagbubunga ito ng pagkakait sa mga karapatan ng ibang tao. Sa usapin ng pagkakaroon ng private property, dapat mauna ang pagsisigurong narerespeto ang karapatan ng bawat isa at nakakamit ang kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, pangaral sa Isaias 5:8: “kawawa kayo na laging naghahangad ng maraming bahay at malawak na mga bukirin, hanggang mawalan na ng lugar ang ibang mga tao, at kayo na lamang ang naninirahan sa lupain.” Huwag nating hayaang umiral ang sariling interes ng sinuman, lalo na ng mga mamumuno. Bigyang-importansya dapat ang pagbibigay ng mga maayos na tirahan at trabaho sa lahat nang walang naaapakan. Huwag sanang manatiling salita lamang ang pangakong isasabatas ang NLUA. Sinuman ang mahalal sa Kongreso sa darating na eleksyon, nawa’y maging prayoridad nila ang pagsasabatas at pagpapatupad nito nang maayos. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 10,937 total views

 10,937 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 18,715 total views

 18,715 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 26,895 total views

 26,895 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 43,324 total views

 43,324 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 47,268 total views

 47,268 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 10,938 total views

 10,938 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 18,716 total views

 18,716 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 26,896 total views

 26,896 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 43,325 total views

 43,325 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 47,269 total views

 47,269 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 54,546 total views

 54,546 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 68,717 total views

 68,717 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 79,395 total views

 79,395 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 83,811 total views

 83,811 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 93,810 total views

 93,810 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 100,747 total views

 100,747 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 109,987 total views

 109,987 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 143,435 total views

 143,435 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 94,306 total views

 94,306 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 104,809 total views

 104,809 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top