Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

SHARE THE TRUTH

 68,615 total views

Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th birthday noong Biyernes. Samantala, sina Althea Barbon, Myca Ulpina, Danica May Garcia, at Francis Manosa—mga batang hindi na umabot sa edad na walo dahil namatay sila sa war on drugs—ay hindi na makakapag-birthday kailanman. 

Mahigit 150 na bata ang napatay mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2022 sa ngalan ng war on drugs. Dagdag sa kanila ang libu-libong batang iligal na inaretso at tinortyur, pati na rin ang mga naulila. Giit ng CRN: hindi collateral damage lamang ang mga bata. Sila sana ang mga susunod nating guro, pulis, doktor, magsasaka, at mga lider ng bayan. Mayroon silang mga hangarin at pangarap. Ngunit pinatay sila, inabuso, at marami ang patuloy na na-trauma at nangungulila sa magulang. 

Para sa CRN, biktima ang mga batang ito ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Kaya itinuturing nilang malaking hakbang tungo sa katarungan ang pagdakip kay dating Pangulong Duterte ng International Criminal Court (o ICC). Unang hakbang lamang ito. Upang masigurong mananagot ang lahat ng sangkot sa war on drugs at huwag nang maulit ito, naghain ang CRN ng anim na mungkahi sa administrasyon ni Pangulong BBM. 

Una, nais nilang bumalik tayo sa Rome Statute na nagtatag sa ICC. Para sa CRN, mahalagang may ganitong alternatibong sistemang pangkatarungan sa harap ng mga pang-aabuso. 

Ikalawa, pag-aralan daw dapat ang mga patakarang may kaugnayan sa war on drugs. Isa sa mga ito ang PNP Memo Circular 16-2016 na ginamit na katwiran ng mga tiwaling pulis para patayin ang mga suspek pa lamang o ang mga inaretso kaugnay ng iligal na droga. 

Ikatlo, ituring dapat na usaping pangkalusugan ang isyu ng droga. Kailangang pagtuunan ang rehabilitasyon at ang pagbibigay-galang sa dignidad ng mga taong bahagi ng kanilang buhay ang droga. 

Ikaapat, amyendahan na dapat ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at gawing prayoridad ang mga probisyong may kaugnayan sa kalusugan. Dapat ding palakasin ang safeguards ng batas laban sa iba’t ibang pang-aabuso katulad ng extrajudicial killings, tortyur, at maling pagtrato sa mga batang nasasangkot sa droga. 

Ikalima, panagutin dapat ang lahat ng nasa likod ng war on drugs. Si dating Pangulong Duterte ay isa lamang sa mga pangunahing arkitekto nito. Nanawagan ang mga pamilya ng mga biktima at ang CRN na pagulungin na ang iba pang kaso sa bansa laban sa ibang kasama ng dating pangulo sa pagpapatupad ng war on drugs.

At panghuli, suportahan dapat ang mga batang naulila dahil sa war on drugs. Dapat tuparin ng pamahalaan ang tungkulin nitong itaguyod ang kabutihan ng mga bata, lalo na ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga. 

Ipinaaalala sa atin sa Mga Awit 127: 3 na “kaloob ng Diyos ang mga bata.” Pero bigo tayo, mga Kapanalig, na ingatan sila sa panahon ng pamamahala ng nagdaang administrasyon. Tiningnan lamang natin sila bilang collateral damage—mga bagay na hindi maiiwasang mapatay dahil sa isang huwad na giyera. Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, mistulang masaker ang anumang giyera. Sinisira ng giyera ang ating kasalukuyan at kinokompromiso ang ating kinabukasan. Sinira at ipinagkait ng war on drugs ang kinabukasan ng maraming bata. 

Mga Kapanalig, samahan natin ang mga pamilyang patuloy na nananawagan para sa katarungan. Suportahan natin ang mga inihaing hakbang ng CRN para sa kasalukuyang administrasyon. Kung may pagkakataon tayo, isulong natin ang mga ito sa ating mga parokya at komunidad. Sama-sama tayong kumilos upang wala ng kaloob ng Diyos—wala nang bata—ang hindi na makapagdiriwang ng kanilang birthday.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 9,706 total views

 9,706 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 17,484 total views

 17,484 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 25,664 total views

 25,664 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 42,097 total views

 42,097 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 46,041 total views

 46,041 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 9,707 total views

 9,707 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 17,485 total views

 17,485 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 25,665 total views

 25,665 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 42,098 total views

 42,098 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 46,042 total views

 46,042 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 54,444 total views

 54,444 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 72,404 total views

 72,404 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 79,293 total views

 79,293 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 83,709 total views

 83,709 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 93,708 total views

 93,708 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 100,645 total views

 100,645 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 109,885 total views

 109,885 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 143,333 total views

 143,333 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 94,204 total views

 94,204 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 104,807 total views

 104,807 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top