4,325 total views
Mabigyan ng due process o patas na paglilitis.
Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos arestuhin sa Senado si Senador Leila de Lima dahil sa drug trafficking cases.
Umaasa si Archbishop Villegas na mapakinggan ang mga panalangin na hilumin ang bansa para mangingibabaw ang katarungan sa halip na paghihiganti.
“Following the arrest of Senator Leila de Lima, we turn to God in fervent prayer to heal our land. We beg the Lord to pour forth upon us the passion not for vengeance but for justice,”pahayag ni Archbishop Villegas.
Itinuturing ng Arsobispo na “unchristian” ang mga pagbubunyi sa dinaranas na paghihirap ng ibang tao.
“It is unchristian to find secret pleasure in the sufferings of others. May we recognize in ourselves the awful power of sin and our need for God’s help! We need the Lord even more now!”bahagi ng mensahe ng Arsobispo.
Kaugnay nito, hinimok ni Archbishop Villegas ang sambayanan na lumapit at ipanalangin sa Panginoon na magkaroon ng paghilom sa bansa at mangibabaw ang katotohanan at katarungan.
“As we deplore what is wrong, let us always allow the reign of charity to prevail in imitation of Christ in whose heart was a special love for those whom all else rejected. Mercy without justice is weakness. Justice without love is tyranny. We humbly pray to the Lord who called Himself the Truth to set our hearts aflame for the truth, the truth that sets all of us free. Let all who have been charged be accorded their fair day in the court of laws.” panalangin ng Arsobispo.
Sa kasalukuyan, nakapiit si Senador de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakakulong sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada.