263 total views
Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pamahalaan na tutukan ang entrepreneurship program sa mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Rev. Fr. Resty Ogsimer, executive secretary ng komisyon, makatutulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga O-F-W na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at makahikayat silang bumalik sa bansa at dito na lamang mag – negosyo.
Iginiit pa ni Father Ogsimer na sa ganito ring pamamaraan ay magkakaroon ng financial literacy ang mga ito at hindi mauwi sa wala ang kanilang naipong pera sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
“Hikayatin yung ating mga OFWs to entrepreneurship na ang perang kinita hindi waldasin but to give this in new enterprises. Extra source of income ng ating mga OFWs so that when they come back kahit na magkaroon ng emergency sa dismissal sa work they have something to look forward too. May mapagsasandalan, may mapagkukunan na extra income in case an emergency happens. Siguro i – facilitate ng ating pamahalaan na ang ating mga OFWs they have access to businesses kahit small scale lang. Hindi pahirapan sa pagkuha ng lisensiya or permit na makapag – patayo ng sariling negosyo.”pahayag ni Fr. Ogsimer sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, sa nakatutok ngayong 31st National Migrants Sunday sa pangangalaga at pagbibigay ng sapat na proteksiyon sa mga kababaihan at mga bata na biktima ng pang – aabuso at pansasamantala.
Nauna rito, hinimok ni Puerto Prinsesa Palawan Bishop Pedro Arigo ang pamahalaan na turuan ng “financial literacy” ang mga Pilipino.
Read: http://www.veritas846.ph/turuan-ng-financial-literacy-ang-mga-pilipino/
Sa inilabas naman 2015 survey sa mga OFWs ng Philippine Statistics Authority lumalabas na mahigit isang milyon ang mga inabusong OFWs na karamihan ay kababaihan at kabataan.
Patuloy namang ang presensiya ng CBCP- ECMI sa paglulunsad ng mga apostolado sa mga OFWs sa pamamagitan ng daan – daang chaplains sa mahigit 50 mga bansa.(Romeo Ojero)