174 total views
Itinuturing ng Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa Palawan na “blessing” ang pagkapili sa lalawigan na unang recipient ng Proect Wildlife Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at United States Agency for International Debelopment.
Ikinatuwa at Ipinagpapasalamat ni Fr. Jasper Lahan, Social Action Director ng Apostolic Vicariate, ang pagkakapili lalo na sa Tubbataha reef na matatagpuan sa malayong bayan ng Cagayan-Cillo.
Ayon sa pari, bagamat malayo sa kabihasnan ang lugar ay binubuhay naman ng likas na yaman ng dagat ang mga lokal na residenteng naninirahan dito at ang pangangalaga dito ang siya ring nagpapasigla sa mananampalataya ng Parokya ng San Nicolas De Tolentino.
“Ang Tubbataha reef ay isa sa mga world heritage na meron tayo na dapat talaga nating pangalagaan, ito rin ang pinagmumulan ng iba’t ibang species ng mga isda na napakagandang ma preserve… kaya yung efforts na ginagawa ng DENR na ito ay pangalagaan ito ay nakakatulong hindi lang for education and tourism purposes, ngunit alam natin na ang pangangalagang ito ay makakatulong sa pangkabuuang buhay natin,” pahayag ni Fr. Lahan sa panayam ng Radyo Veritas.
Una nang binigyang diin ni binigyang diin ni Environment Secretary Gina Lopez na layunin ng DENR na paunlarin ang maliliit na komunidad sa pamamagitan ng livelihood programs at ecotourism habang kasabay nito ay napangangalagaan rin ng mga lokal na residente ang likas na yaman ng kanilang lalawigan.
Read:
http://www.veritas846.ph/protect-wildlife-project-inilunsad/