Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Death penalty, lisensya upang pumatay

SHARE THE TRUTH

 479 total views

Mga Kapanalig, kailan pa naging tama ang pagpatay?
Nakalulungkot na noong nakaraang linggo, mayorya ng ating mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pumabor na ipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4727 o ang panukalang batas na magbabalik sa parusang kamatayan o death penalty.
Matapos isa-isang magpaliwanag ang mga mambabatas ng kanilang posisyon hinggil sa panukalang batas, umabot sa 217 mambabatas ang bumoto pabor sa pagpasa panukalang batas, samantalang 54 na mambabatas tumutol; isang mambabatas na nag-abstain. Batay sa kasalukuyang nilalaman ng panukalang batas, ang mga sangkot sa iligal na droga lamang ang papatawan ng parusang kamatayan. Inamin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sinadyang tanggalin ang mga kasong plunder at rape sa mga krimeng maaaring saklaw ng parusang ito upang mapabilis ang pagpapasa ng House Bill 4727. Malinaw, mga Kapanalig, na nagmamadali ang lider ng Kamara na ipasa ang isang batas na papatay sa ating mga kababayan.
Madalas ikatwiran ng mga nagsusulong ng parusang kamatayan na makatutulong ito upang sugpuin ang kriminalidad sa ating bansa, kasabay ng giyera kontra droga ng pamahalaan na binuhay ngang muli kamakailan. Ngunit ang Philippine National Police o PNP na rin ang nagsabing mula 1978 hanggang 2008, patuloy na bumababa ang insidente ng krimen sa ating bansa. Hindi ba’t ito rin ang ipinagmamalaki ng kasalukuyang pamunuan ng PNP? Samakatuwid, wala nang dahilan para ibalik ang parusang kamatayan dahil kahit wala nito, mukhang tagumpay ang ating awtoridad na sugpuin ang krimen, hindi po ba?
Sa maraming bansa, nakitang hindi naman talaga nakakasugpo ng kriminalidad ang pagkakaroon ng death penalty. Ang totoo, mababawasan ang krimen kung epektibo ang paghuli sa mga masasamang loob at mahahatulan sila sa patas at mabilis na panahon. Ang tunay na kailangan natin, kung gayon, ay isang kapulisang tumutupad nang tama ang kanilang tungkulin, matalino’t mapanuri, at hindi nabibili ang katapatan.
Para rin sa iba—kahit pa ang ilang Katoliko—ang death penalty raw ang magbibigay ng hustisya para sa mga biktima ng krimen. Ngunit tunay na katarungan ay hindi lamang bunsod ng paghihiganti. Ang katarungan ay maaaring ibigay sa isang makataong paraan. Hindi kamatayan ang dapat nating ihatol sa isang nagkasala, kundi ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataong magbagong-buhay at pagkakataon na makabawi sa kanyang nasaktan. Sinabi sa atin ni Pope Francis noong nakaraang taon na ang parusang bitay ay taliwas sa plano ng Diyos para sa atin at sa ating sambayanan. Hindi nito itinataguyod ang hustisyang may awa; o sa Ingles, merciful justice.
Sa maraming pagkakataon, mariing binatikos ng ating mga obispo, sa pangunguna ni CBCP President at Arsobispo ng Lingayen-Dagupan Soc Villegas, ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Aniya binibigyan ng panukalang batas na ito ang estado ng “license to kill” o lisensya upang pumatay. Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayong ang death penalty ay pagyurak sa kasagraduhan ng buhay at sa dignidad ng tao. Ang death penalty ay hindi pagbibigay ng hustisya kundi paghihiganti. Ang kailangan natin ay isang sistemang pangkatarungang mabibigyang-danyos ang nagawan ng mali at magbibigay ng pagkakataon sa taong nagkasala na mabigyan ng panibagong pag-asa.
Malinaw ang utos sa atin ng Diyos: “Huwag kang papatay.” Sa isyu ng death penalty, maidudugtong natin ito sa isa pang utos ng Diyos na: “Huwag kang magnanakaw.” Sa madaling sabi: Huwag kang magnanakaw ng buhay ng iba. Ang death penalty ay pagnanakaw ng buhay. Mga Kapanalig, kailanman ay hindi magiging tama ang pagpatay. Wala tayong lisensyang pumatay ng tao. Bagama’t nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa Kongreso ang HB 4727, patuloy pa rin nating bantayan ang ating mga mambabatas sa Senado. Bilang mga Katoliko, ipaglaban natin ang buhay, at patuloy na tutulan ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Kaya pa rin nating maging isang makatao at maka-Diyos na bayan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 3,788 total views

 3,788 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 10,911 total views

 10,911 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 18,114 total views

 18,114 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 23,468 total views

 23,468 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 31,074 total views

 31,074 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 3,789 total views

 3,789 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 10,912 total views

 10,912 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 18,115 total views

 18,115 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 23,469 total views

 23,469 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 31,075 total views

 31,075 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 33,870 total views

 33,870 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,453 total views

 73,453 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,007 total views

 81,007 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 76,890 total views

 76,890 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,437 total views

 88,437 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,544 total views

 92,544 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,441 total views

 69,441 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,409 total views

 69,409 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 68,760 total views

 68,760 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,293 total views

 62,293 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top