204 total views
Ito ang nakikitang problema ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan III sa pagpasok ng Chinese survey ship sa Benham Rise na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Alunan, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng kakayahang makipag-ugnayan sa mga research vessels upang malaman ang tunay na dahilan ng kanilang pamamalagi sa teritoryo ng Pilipinas.
“Benham Rise is part of our Exclusive Economic Zone. It is not part of national or foreign territory but we have exclusive sovereign right in our EEZ. So meaning to say, ‘yung isda doon, resources, yung oil and gas sa sea bed, exclusive sa atin yon. The problem is that we don’t have the capability of checking what these research vessels are doing so we have to acquire that capability so we’ll know exactly what they are doing,”pahayag ni Alunan sa Radio Veritas.
Nilinaw ni Alunan na kailangan munang humingi ng kaukulang permiso ang China at alinmang bansa sa pamahalaan ng Pilipinas bago pumalaot sa Benham Rise dahil kapaloob ito sa exclusive sovereign right ng bansa, kabilang ang pagsasagawa ng mga survey at pag-aaral.
“If the Chinese or other nationalites is conducting safemix survey to look for oil gas and minerals or to determine where the fish are, then they have to ask permission then when we give them permission, but they have the obligation to share the information with us,”paglilinaw ni Alunan.
Ayon sa pag-aaral, ang Benham Rise ay nagtatagalay ng mayamang mineral at malaking gas at oil deposits na tutugon sa pangangailangan ng bansa sa enerhiya.
Batay sa katururang panlipunan ng simbahan, ang pagnanasa sa hindi mo pag-aari ay paglabag sa sampung utos ng Diyos.