168 total views
Iginiit ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na walang diskriminasyon ang ginagawang pagtulong ng ahensiya sa mga mahihirap.
Ayon kay Secretary Taguiwalo, hindi nito kinakampihan ang iligal na pagpasok ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa mga pabahay sa lalawigan ng Bulacan.
Ipinaliwanag ng kalihim na nanawagan ng tulong ang mga matatanda, bata, at buntis para mabigyan sila ng makakain at layunin nilang tugunan ang kanilang pangangailangan.
Nilinaw ni Taguiwalo na hindi makokonsensiya ng D-S-W-D na panooring lumala ang sitwasyon na unti-unting nagkakasakit ang mga bata at matatanda dahil sa gutom.
“We are helping Filipinos who asked us for immediate assistance in the form of food. We do not discriminate against those who are in crisis situations and are in immediate need of our help. The families we gave FFPs to last March 16 were not involved in the Occupy Bulacan campaign. They sought our help because they are very poor and needing assistance. This week, we are validating the families who joined the Occupy Bulacan action and determining their immediate food needs. There are young children, senior citizens, pregnant women among them, and they are our priority. We do not judge their decision to participate in the mass action led by the urban poor group Kadamay; we are providing help as part of our social welfare and humanitarian mandate to help those in crisis situations,” paliwanag ni Taguiwalo sa Radio Veritas
Noong nakaraang linggo namahagi ang D-S-W-D ng 2,100 Family Food Packs na itinigil dahil sa komosyon sa pagitan ng home-owners at grupong Kadamay.
Batay sa panlipunang katuruan ng simbahan, tungkuling ng bawat tao na tulungan ang kanyang kapwang na-uuhaw at nagugutom, dahil nasusulat na kung ano man ang ating gawin sa pinaka hamak nating kapwa ay ginawa narin natin ito kay Hesus.