Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na manindigan laban sa parusang kamatayan

SHARE THE TRUTH

 320 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo lamang, muling naglabas ng pahayag-pastoral ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP tungkol sa parusang kamatayan o death penalty.
Kung maalala ninyo, nakahain pa lamang noon sa Kongreso ang panukalang batas patungkol sa pagpapanumbalik ng parusang kamatayan. Sa Senado, may isang mambabatas pang nagsabing hindi daw maipagkakaila na kahit sa Bibliya, binibigyang karapatan ang pamahalaang ipatupad ang parusang kamatayan. At sa patanggap ni Hesus nang buong puso sa kanyang pagpapakasakit at kamatayan sa krus, maaari daw isiping maging ang Panginoon ay sumang-ayon sa pagpapatupad nito. Nagkataon lamang daw na inosente si Hesus sa mga paratang sa kanya, kaya hindi daw makatarungan ang pagpapatupad nito.
Hindi po sang-ayon ang Simbahang Katolika sa ganitong pananaw. Sa kanilang pinakahuling sulat-pastoral, sinabi ng ating mga obispong hindi kailanman sinang-ayunan ni Hesus ang anumang pagpatay na naaayon sa batas. Inihalimbawa nila ang pagtatanggol ni Hesus sa babaeng nakikiapid laban sa mga ibig pumaslang dito dahil ito ang isinasaad ng batas ng mga Hudyo. Hinamon sila ni Hesus na maunang pumukol ng bato ang sinumang walang kasalanan sa kanila.
Ang hiling ng mga obispo sa sinumang gumagamit sa Bibliya upang ipagtanggol ang parusang kamatayan, unawain ang Banal na Kasulatan bilang “umuunlad na pagpapahayag ng Diyos ng kanyang kalooban sa sangkatauhan, na ang huling kaganapan ay si Hesu-Kristo.” Naparito si Hesus sa mundo upang ganapin ang Kautusan, hindi upang ipawalambisa ito.
Noong unang araw ng Marso naman, kung kailan ginunita nating mga Katoliko ang Miyerkules ng Abo, idinaan lamang ng Mababang Kapulungan sa “viva voce voting”, o pagboto base lamang sa palakasan ng boses, ang pagpapatibay sa panukalang magbabalik sa parusang kamatayan sa ikalawang pagbasa. Sa bersyon ng panukalang batas ng Kamara, tanging mga kaso lang na may kinalaman sa iligal na droga ang maaaring patawan ng parusang kamatayan. Hindi na ibinilang ang iba pang krimen katulad ng rape, plunder at treason upang tiyakin umanong mananalo ang panukalang batas na ito sa botohan.
Ayon sa CBCP Pastoral Statement, ang pagsang-ayon sa panukalang batas na ito ng mga mambabatas na may markang krus na abo sa kanilang mga noo ay isang kabalintunaan o paradox! Ang krus na nagsilbing pagpapahayag ng pananampalataya nila sa Diyos ang siyang pagpapaala rin ng paanyayang pagtupad sa mga kautusan ng Diyos, kabilang na ang paninindigan para sa kasagraduhan ng buhay. Tanong ng mga obispo, “Nakalimutan na kaya nila kung ano ang kahulugan ng krus na iyon?”
Hindi nagbabago ang pananaw ng Simbahang Katolika tungkol sa parusang kamatayan. Una, naninindigan itong marami nang mga pag-aaral ang nagsasabing hindi nakahahadlang sa paggawa ng karumal-dumal na krimen o heinous crimes ang parusang kamatayan. Sa mga nais talagang gumawa ng masama, hindi deterrent ang death penalty.
Ikalawa, hindi tunay ang katarungang nakabatay sa retribution o ang paniwalang kung buhay ang nilapastangan, buhay din dapat ang kapalit. Ngunit sa pagpapataw ng kaparusahang kamatayan na itinuturing ng ibang taong makatarungan, hindi ba’t ipinagpapatuloy lamang natin ang kultura ng kasamaan? Ano nga bang kabayaran ang makukuha ng biktima at ng kanyang pamilya kundi karahasan din?
Ikatlo, naniniwala tayo sa pagbabagumbuhay o rehabilitation. Naniniwala at umaasa ang Simbahan na ang lahat ng nagkasala ay may kakayahang mapagsisihan ang kanyang nagawa, gaano man iyon kasama, at makapagpasyang magbago.
Bilang pagtatapos, hayaan n’yo pong ibahagi ko sa inyo ang isang maikling talata hango sa pinakahuling pahayag-pastoral ng CBCP tungkol sa death penalty. “Hindi tayo bingi sa hinaing ng mga biktima ng mga karima-rimarim na krimen…. Sa mga may sala, alok namin ang isang hamong magsisi at panumbalikin ang dating kaayusan na ngayon ay nagambala bunga ng kanilang kasalanan. Sa nagdadalamhating mga biktima, handog namin ang aming pag-ibig, habag at pag-asa.”
Patuloy po tayong manindigan laban sa death penalty.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,997 total views

 40,997 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,653 total views

 55,653 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,768 total views

 65,768 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 75,345 total views

 75,345 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 95,334 total views

 95,334 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 40,998 total views

 40,998 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,654 total views

 55,654 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,769 total views

 65,769 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 75,346 total views

 75,346 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 95,335 total views

 95,335 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,618 total views

 49,618 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,643 total views

 44,643 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,212 total views

 48,212 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,667 total views

 60,667 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,734 total views

 71,734 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 78,053 total views

 78,053 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,661 total views

 82,661 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,221 total views

 84,221 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,782 total views

 49,782 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,745 total views

 69,745 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top