225 total views
Pinuri ng Obispo ang pagtutol ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong sa Kongreso ng panukalang same sex marriage sa bansa.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nakakatuwa at nakaka-inspire ang posisyon ng pangulong Pangulong Duterte sa same sex marriage.
Inihayag ni Bishop Santos na isinasa-alang-alang ng Simbahan ang desisyon ng Presidente na patunay ng pagpanig at paninindigan nito sa katuruan ng Simbahang Katolika.
Sinabi ng Obispo na ipinakita lamang ng pangulo na ang pag-aasawa ay nararapat lamang sa isang babae at lalaki na siyang magdudulot ng isang matibay na pundasyon ng pamilya na magpapatatag sa lipunan.
“It is very inspiring and encouraging news. We are grateful to our president and we are appreciative of his wise decision. This shows he still adheres to our catholic teachings, that is, stable marriage and marriage of a man and a woman, is strong pillar of stable and secured society.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas
Iginiit ng Obisapo na dahil sa desisyon ng presidente ay napanindigan nito ang kasagraduhan at kabanalan ng pagpapaksal sa pagitan ng babae at lalaki hindi ng magkaparehong kasarian.
“With his decision sanctity and stability of marriage is respected and promoted.”saad ni Bishop Santos