143 total views
Kinondena ng isang Mindanao Bishop ang plano ng PangulonG Rodrigo Duterte na i-aappoint na lamang ang mga barangay official sa halip na ituloy ang nakatakdang SK at barangay elections sa ika-13 ng Oktubre ngayong taon.
Ayon kay Kidapwan Bishop Jose Collin Bagaforo, senyales ito ng pagiging fulltime dictator ng pangulong Duterte.
Inihayag ng Obispo na isa itong daan upang maalis na ang opposition party sa bansa para malegalize na ang autocracy government.
Kasabay nito, pinagdududahan ni Bishop Bagaforo ang sinasabing 40-porsiyento ng may 42,036 na mga barangay captains o officials ay sangkot sa bentahan ng illegal na droga.
“My comment on Duterte’s No Barangay Elections: if it is by appointments, Digong has now slowly metamorphose into a full time dictator. With this plan, PDP is now to become FM’s KBL. This will erase any opposition party and the next is a legalize autocracy called federal parliamentary government. Beware of the triumvirate: duterte – pimentel- alvarez!paalala ni Bishop Bagaforo
Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang pangulong Duterte na linawin kung tunay na nakonsulta ang mga barangay officials at patunayan na sangkot sa illegal drug trade ang mga naturang barangay officials na siyang dahilan nito na i-appoint na lamang ang mga barangay officials sa halip na magkaroon ng halalan na isinasaad ng Saligang Batas.
“Wonder if Liga ng Barangays consulted or referred to about issues on 40% of them are drug pushers/Lords and on appointing instead of election?”mga katanungan ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas
Nauna, iginiit ni 1987 Constitutional Commission member Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani na labag sa saligang batas ang gustong ipatupad ng pangulong Duterte.
Read: http://www.veritas846.ph/mamamayan-binalaan-sa-pagiging-authoritarian-ni-pangulong-duterte/
http://www.veritas846.ph/pagpapaliban-sa-barangay-elections-labag-sa-rights-suffrage/
Sinasabi ni Pope Francis na ang mabuting katoliko ay nakikibahagi sa larangan ng pulitika na siyang pinakamataas na uri ng pagkakawanggawa dahil nagsisilbi ito sa kabutihang panlahat.