4,323 total views
Naniniwala ang Obispo ng Balanga Bataan na malaki ang maitutulong ng pamahalaan sa may 5- libong Overseas Filipino Workers na stranded sa Saudi Arabia para makauwi ng ligtas sa Pilipinas.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, malaking ginhawa sa mga O-F-W ang suportang pinansiyal ng pamahalaan hanggang sila ay makabalik sa Pilipinas.
Inihayag ni Bishop Santos na pagpapakita ng awa at habag ang effort na ginagawa ng gobyerno upang makabalik ng maayos at ligtas sa Pilipinas ang mga undocumented O-F-W sa Saudi Arabia.
Patuloy namang umaapela ang Obispo sa pamahalaan na gawing prayoridad ang pagsusulong sa kapakanan ng mga O-F-W.
Habang tiniyak ni Bishop Santos na lalo pang palalakasin ng Simbahan ang pastoral services sa mga O-F-W sa iba’t-ibang panig ng mundo
“Our stranded OFWs needed us most and our response is huge comfort and relief from their sufferings. We in CBCP ECMI are very grateful for the monetary assistance of our government. We appreciate their help, and acknowledge it as their compassion to sacrifices and as gratitude to services of our OFWs. We appeal for the government’s continuous help to the welfare and wellbeing of OFWs. And we assured them of our prayers, pastoral services.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas
Naunang tiniyak ng Department of Labor and Employment o D-O-L-E na magtutungo sila sa Saudi Arabia upang ayusin ang papeles ng mga undocumented na O-F-W bago matapos ang ibinigay na 90-araw na amnesty program ng Saudi Arabia.
Ang ating mga O-F-W ang ikaapat na pinakamalaking grupo ng mga mangagawa sa Saudi Arabia at pangalawa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng remittances