171 total views
Hindi nakatutulong sa pagtugon sa maraming problema sa lipunan ang paghihilahan pababa, paninira at pag-aaway away ng mga opisyal ng bayan.
Ito ang binigyang diin ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez kaugnay sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ayon sa Obispo, dahil sa politika ay lalong nahahati ang bayan na pag-aaksaya lamang ng panahon na mas nararapat ilaan sa pagtugon sa mga pangunahing problema na nakaaapekto sa taumbayan.
Dahil dito, nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan si Bishop Gutierrez partikular na sa mga opisyal ng pamahalaan na inuuna ang politika sa halip na ang kanilang tungkulin bilang mga lingkod ng bayan.
“Wwe are a very divided country instead of loving one another and helping one another to become beter we are trying to put down everybody that is not the work of God that is the work of the devil, let us try to love one another yang impeachment, impeachment na yan that is wasting time although it’s your right but it is tama ba at this time that we should be part, when we should be united, marami tayong problema so let us work together to solve the problem, not to put each one down…”pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam sa Radio Veritas.
Kaugnay nito, sa kabila ng pagpapatigil ng Pangulo sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa bise presidente na isang halal na opisyal ng bayan na makasisira lamang sa kasalukuyang istruktura ng pamahalaan ay nagsagawa pa rin ng ‘Palit-Bise’ rally ang may 5-libong indibidwal sa Quirino Grandstand.
Naunang iginiit ni San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhilio Aquino na hindi maituturing na pagtataksil sa bansa ang mga naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa United Nations.
Read: http://www.veritas846.ph/impeachment-complaint-kay-robredo-walang-basehan/
Una na ngang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat.