Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 454 total views

Kaliwa’t kanan ang mga alegasyon ngayon ng korupsyon sa ilang mga ahensya ng pamahalaan. Kapanalig, ito ay napalaking dagok lalo na sa mga kawani nito na dumaan ng maraming mga taon ng pagsasanay at pag-aaral upang iangat ang propesyonalismo sa public service.
Kapanalig, maraming mga bayani sa hanay ng gobyerno, at kadalasan, hindi sila ang mga pinuno. Ang mga public servants natin na tahimik na nagtatrabaho kahit pa walang credit o papuring tinatanggap ang siyang mga unang nagiging biktima ng korupsyon. Bumababa ang morale ng isang ahensya kapag lumalala ang korapsyon, morale na kay tagal at kayhirap nilang inaangat.
Maraming mga ahensya ng gobyerno ang dumaan sa malawakang reporma nitong mga nakaraang taon. Isa nga dito ang Civil Service Commision (CSC), ang ahensya na nangunguna sa pag-tataas ng kapasidad ng mga government employees. Ang mga reporma na ito ay masasayang kung lalawig pa ang insidente ng korupsyon. May mga ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya na nagsasabi na ang korupsyon ay isa sa mga salik na humaharang sa economic development ng maraming mga bansa.
Ang ating bansa, kapanalig, ay rank 101 sa 175 na bansa sa Corruption Perceptions Index (CPI) nitong 2016. Pang 95 tayo noong 2015, habang noong 2014, pang 85 tayo. Unti unting bumaba ang ranking natin. Kailangan nating kumilos.
Ang patuloy na pagbaba nito ay may malaking epekto sa ekonomiya. Mababawasan ang mga mamumuhunan at maaring tumulak paalis sa mga natitira.
Mawawalan din tayo ng tiwala sa ating mga institusyon. Kung ang ating mga ahensya ay lipol ng mga mandarambong at mandaraya, saan pa tayo pupunta para sa mga regular na pampublikong serbisyo?
Nagiging kultura rin kapanalig, ang korupsyon. Kung kurap ang mga pinuno, tinuturuan din tayo nitong magkurap. Halimbawa, walang maglalangis kungdi tatanggap ng langis. Ang patuloy na paggawa nito ay nag-re-reinforce o nagpapatibay ng korupsyon dahil nagiging mutually beneficial ang mga kurap na transaksyon.
Kailangan nating iwaksi ang korapsyon sa lipunan. Malayo na sana ang ating narating. Tumaas na ang persepsyon ng international community sa patuloy na paglilinis ng korupsyon sa ating lipunan. Kung hahayaan nating lumaki pa ito uli, sayang ang ating nabubuong imahe.
Ang paglawig ng korupsyon ay paglawig din ng pagkasira ng dignidad ng tao. Halimbawa, habang kumukurap ang isang ahensya, bumababa din ang morale ng hanay nito, nawawalan ng kumpiyansa ito sa pagtugon at pagsulong sa kaganapan ng organisasyon. Ang taong unting nabubulok ng kurapsyon ay hindi rin tunay na buhay: hungkag ang kaligayahan, at hindi maabot ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Ang pagwaksi ng korapsyon ay pagkilala ng pagmamahal ng Diyos at ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Ayon nga sa Gaudium et Spes: We cannot live fully in the truth unless we freely acknowledge God’s love and entrust themselves to our Creator.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 6,950 total views

 6,950 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,073 total views

 14,073 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,276 total views

 21,276 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 26,630 total views

 26,630 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,236 total views

 34,236 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 6,951 total views

 6,951 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 14,074 total views

 14,074 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 21,277 total views

 21,277 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 26,631 total views

 26,631 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,237 total views

 34,237 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 34,128 total views

 34,128 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,710 total views

 73,710 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,264 total views

 81,264 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 77,147 total views

 77,147 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,694 total views

 88,694 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,801 total views

 92,801 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,698 total views

 69,698 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,666 total views

 69,666 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 69,017 total views

 69,017 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,550 total views

 62,550 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top