214 total views
Ito ang nakikitang solusyon ni Radio Veritas Senior Economic Advisor Prof. Astro del Castillo para maisakatuparan ang “Golden Age of Infrastructure” na inilatag sa “Dutertenomics”.
Kumbinsido si Castillo na ang pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa pagtatayo ng malalaking infrastructure projects ang susi sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa.
“Alam niyo ang infrastructure program kapag tinutukan talaga ito ng gobyerno, ‘yung multiplier effect nito sa ekonomiya ay napakalaki. Its generates the necessary employment and of course, it really helps the economy to move forward,” pahayag ni del Castillo sa Radyo Veritas.
Sinang-ayunan din ni del Castillo ang hindi pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya na magpapatagal lamang sa pagsisimula ng mga proyekto.
Ang pondo sa mga infrastructure project ay kukunin sa ibinabayad na buwis ng taumbyaan, Overseas Development Assistance at iba pang commitment ng gobyerno.
Gayunman, inihayag ni Del Castillo na ang pinakamahirap na bahagi ay kung paano isasagawa ang mga nakahaing plano.
Naniniwala si del Castillo na maisasakatuparan lamang ang “Dutertenomics” maipapasa ang tax reform law upang mas mapaliit ang binabayarang buwis ng mamamayan at mga pribadong kumpanya dahil dito kukunin ang inisyal na pondo.
Bahagi ng Dutertenomics ang construction ng Mindanao Railway, Mega Manila Subway System, at pagsasaayos ng mga paliparan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa tala ng National Economic and Development Authority o NEDA, lumago nang 6.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa taong 2016.