343 total views
Hindi nagtatapos sa Mahal na Araw o sa muling pagkabuhay ni Hesus ang pagpapahalaga ng bawat isa sa buhay na kaloob ng Diyos.
Ito ang panawagan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual sa pagsasabuhay ng bawat mananampalataya sa Semana Santa na isang paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
Tiwala si Father Pascual na magagapi lamang ang paglaganap ng “culture of death” sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagsusulong ng bawat Kristyano sa culture of life o pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon.
“Bilang bahagi ng pagpapahalaga sa dakilang kamatayan at pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Kristo na ang Diyos nagpahalaga sa buhay kaya tayo rin ay kailangang magbigay ng absolute respect sa bawat biyaya ng buhay at labanan natin itong culture of death na lumalaganap sa buong mundo ang tugon natin bilang Kristyano, culture of life…” pahayag ni father Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.
Batay sa tala ng PNP National Monitoring Center mula March 1 hanggang April 16 o sa loob lamang ng 47 araw ay tinatayang umaabot na sa 131-indibidwal ang namatay sa pagpapatuloy ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan na Oplan Double Barrel reloaded.
Magugunitang hinimok mismo ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat isa na hindi basta na lamang magmamasid sa mga nagaganap sa lipunan kundi gumawa ng kahit maliliit na paraan upang itaguyod ang pagkakaisa at pag-ibig sa kapwa.
Read :
http://www.veritas846.ph/huwag-sumuko-sa-mga-naligaw-ng-landas-sa-droga-cardinal-tagle/