25,314 total views
Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino.
Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal
na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao.
Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan at pamahalaan kung mayroong magandang ugnayan at iisang layunin ang dalawang panig para sa kapakanan ng taumbayan.
Inihayag ni Cardinal Rosales na iisang Kristo ang pinaniniwalaan at itinuturo ng Simbahan sa bawat mamamayan maging mayaman man o mahirap, maging negosyante man o anumang propesyon nito sa buhay.
“Parating kasama naman yung katuwang,ang namumuno dahil iisa ang pinaglilingkuran natin, ang tao.
Iba ang larangan ng pamunuan ng gobyerno at iba rin ang larangan ng Simbahan pero magkaugnay iyan,
hindi maaring hiwalay, iisa ang tao nating pinglilingkuran, isang tao ke mayaman o dukha lahat yan
ay pinaglilingkuran ng Simbahan at pamahalaan. Ang gobyerno sa material, ang Simbahan sa esperitwal at sa mga values, yung kahalagahan pangangaral.”pahayag ni Cardinal Rosales sa Radio Veritas
Iginiit ng Kardinal na hindi puwedeng magkahiwalay na naglilingkod ang Simbahan at pamahaalan dahil iisang tao ang dapat nitong paglingkuran.