251 total views
Nararapat na ituring na isang opurtunidad ng Simbahang Katolika ang resulta ng survey ng Social Weather Stations na isa sa sampung Filipino ang nakakaunawa sa isinusulong na pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.
Inihayag ni Caloocan Bishop emeritus Deogracias Iniguez, chairman ng Ecumenical Bishops Forum na isang “wake-up call” sa Simbahan ang survey upang ganap na maipahayag sa mga mamamayan ang kasagraduhan ng buhay at masamang maidudulot ng parusang kamatayan sa bansa.
Ayon sa Obispo, isang magandang oportunidad ito upang maipaliwanag nang husto sa mga Filipino ang mga aral ng Simbahan tungkol sa buhay, kamatayan at naangkop na kaparusahan sa mga kasalanan.
“Ito ang isang pagkakataon para yung Catholic Church maipaliwanag niya yung paniniwala tungkol sa buhay, tungkol sa kamatayan, tungkol sa penalty for crime isang magandang occasion ito at alam naman natin na marami talaga kahit na sa mga Katoliko ang hindi pa nakakaunawa itong official stand na ito ng ating Simbahan…”pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal rin ni Bishop Iniguez na ganap na mapag-aaralan at pakikinggan ng mga Senador bilang mga tunay na lingkod bayan ang pulso ng bayan at ng iba’t-ibang Church institution sa bansa kaugnay sa pagbabalik ng capital punishment na magdudulot lamang ng culture of death sa bansa.
“Ang mga Senador at our legislators they are government people so they are serving the people,so what I would say is that we expect na ang ating mga legislators inaalam din naman nila itong mga bagay na ito kagaya ng mga stand ng halimbawa ng Catholic Church, stand nung ibang mga churches at ito ay magamit nila sa kanilang mga batas para sa ating bansa…” dagdag pa ni Bishop Iniguez.
Itinuturing naman ng Simbahan na “welcome development” ang pahayag Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang death penalty bill sa Senado kung saan tanging 5-Senador lamang ang hayagang sumusuporta sa naturang panukala habang nasa 13 mga Senador naman ang laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
Patuloy na naninindigan ang Simbahang Katolika na ang death penalty ay isang sociological sin.
Read: http://www.veritas846.ph/death-penalty-isang-sociological-sin/
Hinihikayat naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat na sagipin ang sagradong buhay.
Read: http://www.veritas846.ph/save-lives-lakad-laban-sa-karahasan/
Sa isinagawang survey ng SWS noong March 25 to 28, 2017 lumabas na 13-porsiyento lamang o 1 sa kada 10 Filipino lamang ang kabisado ang Death Penalty issue; 35-porsiyento naman o 4 kada 10 Filipino ang alam o pamilyar sa usapin ng parusang kamatayan; 43-porsiyento ang may limitadong kaalaman sa usapin habang 10-porsiyento naman ang wala talagang alam tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan